Part 2: The Return

3 0 0
                                    

ONE month later.....

Balik sa dati ang buhay nina Ynaria, Clement, Trist, Dylan, Helen, Wendy, Ryan at Paul. Tila ba'y walang nangyari sa kanila sa Laguna noong isang buwan na ang nakalilipas--sa araw ng 5th anibersayo ng Seven Restaurant.

Bumuntong hininga si Ynaria matapos nito kumain ng agahan. Tumayo ito't nagtungo sa lababo para hugasan ang mga pinagkainan. Pagkatapos maghugas bumalik ito sa kwarto't muling inayusan ang sarili. Nang makuntento, bumuntong hininga ito bago lumabas ng kwarto. Nakasalubong pa ni Ynaria ang nakakabatang kapatid na babae na si Yrannie

"Good morning, Ate Ynaria!" Masiglang pagbati ni Yrannie. "Papasok ka na ba sa trabaho mo?" Tanong pa nito. Tila ang ngiti ng kapatid ni Ynaria ay wala ng bukas.

Nginitian ito pabalik ni Ynaria dahilan para mas lumawak lalo ang ngiti ni Yrannie. "Yes," sagot ni Ynaria. "Saan ang punta mo?" Tanong nito nang mapansing nakabihis ng pang-alis ang kapatid.

"May gimik kami ng mga kaibigan ko, Ate Ynaria. Sabado ngayon at wala kaming pasok!" Tugon ni Yrannie.

"Oh, ang aga naman ng gimik niyo. Panigurado kinabukasan ka na naman makakauwi, tama ba 'ko?" Tila may tonong istriktong sambit ni Ynaria.

"Pupunta kami ng Laguna para maghiking." Nakangiting ani Yrannie.

Biglang nakaramdam ng kaba si Ynaria sa sinabi ng kanyang kapatid, tila bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ng mga kasamahan niya sa Seven Restaurant ang sinapit nila sa Laguna. Bagama't di maunawaan ang kanyang nadarama kung bakit siya kinabahan. Sumeryoso si Ynaria at pinaningkitan ng mga mata si Yrannie.

"Anong sinabi mo? Magha-hiking kayo sa Laguna?" Di makapaniwalang tanong ni Ynaria.

"Yes," mabilis na sagot ni Yrannie. "Ate Ynaria, anong nangyari sa'yo at namumutla ka?" May pag-aalalang tanong ni Yrannie.

Huminga ng malalim si Ynaria bago nagsalita. "Yrannie, makinig ka. Mas makabubuti na wag ka na lang sumama sa mga kaibigan mo, okay?"

"May mali ba sa pagpunta namin sa Laguna?" May dudang sambit ni Yrannie. Nakakunot-noo pa.

"Makinig ka sakin, hangga't maaari dito ka na lang sa Maynila. Pwede naman kayo pumunta sa Antipolo, Bulacan or Pampanga pero bakit doon niyo pa naisipan?" Natatarantang usal ni Ynaria sa kapatid nito.

"Ate Ynaria, bakit ang weird ng inaakto mo ngayon? Hindi namin pwede ipagpaliban dahil nasa bucket list namin iyon." Katwiran ni Yrannie.

Pikit-matang bumuntong hininga si Ynaria para pakalmahin ang sarili. "Nag-aalala lang ako na baka may masamang mangyari sa'yo doon. Alam mo na, ikaw na lang ang natitira kong pamilya. Iniwan na tayo ng mga magulang natin, mayroon na silang kanya-kanyang pamilya." Malumanay na sambit ni Ynaria. Ngunit sa loob-loob niya malakas ang kanyang kutob na tila may mangyayari sa kanyang kapatid.

"Alam ko ang tungkol kina Mommy at Daddy. Wag ka mag-alala, mag-iingat ako para sa'yo at mananatili ako sa tabi mo." Nakangiting sambit ni Yrannie.

Dahil sa sinabi ng kapatid ni Ynaria, kumalma siya't napagtantong mali ang kanyang iniisip. Naalalang nagkataon lang iyon, kaya kung anu-anong negative ang bumabalot sa kanyang isip. Baka nag-iilusyon lang ang kanyang utak dahil sa nangyari sa kanya sa Laguna.

"Mag-iingat ka, Yrannie." Malumanay na sambit ni Ynaria, tsaka ito pumeke ng ngiti.

"Salamat, Ate Ynaria!" Masayang sambit ni Yrannie, kasabay ng mahigpit nitong yakap kay Ynaria.

Bumuntong hininga si Ynaria matapos parehong kumalas sila ng kanyang kapatid sa yakap ng isa't isa. Pagkatapos nagpaalam na ang kanyang kapatid na aalis na ito kung kaya't tanging pagtango lamang ang sinagot ni Ynaria rito. Dahilan upang walang lingon-likod na lumabas ng bahay ang kanyang kapatid.

TRIST [COMPLETED]Where stories live. Discover now