Prologue

24K 269 17
                                    

"Eirenna?"

"Hmmm..." Tugon ko. Nakahilig sa akin si Sil habang nagbabasa ako nang libro. Nasa kwarto ako ngayon ni Sil, nagpapalipas ng oras. Siya lang kasi ang tao dito. Ayaw naman niyang papuntahin ang mga kaibigan niya. Maglalaro kasi kami. Larong hindi pambata, 'yong larong pang matanda. Hindi dapat ginagawa.

"Ano bang gagawin ko para mapansin niya ako?" Heto na naman kami, sinabi ko na nga sa kanya na dapat siyang maging mapagpasensya at h'wag maging agresibo para makuha niya ang loob ng kaibigan ko. "Paulit-ulit?"

"Sungit neto! Wala ka naman ngayon ah?" Pati cycle ko alam niya din, ganyan kami ka-close eh. Sana walang magbago, balak ko na kasing ipaalam sa kanya ang lahat. Ang sakit na kasi eh, at saka malapit na naman siyang grumaduate. Hindi ko na siya makikita.

"Wala nga. Ayaw ko kasing pag-usapan." Umalis siya sa tabi ko at tumayo, hinila niya ako patayo kaya nagulat ako. Nahulog ko pa ang hawak-hawak kong libro dahil sa ginawa niya. Pasaway talaga. "Ano?!" Singhal ko. Naiirita kasi ako.

"Bakit ba kasi ang sungit-sungit mo? Pa-tagal ng pa-tagal, sumusungit at nagiging mataray ka na sa akin. Sabihin mo nga, galit ka ba sa akin?" Hindi ko siya inimik at sa halip na makipagaway sa kanya ay pinulot ko ang librong nahulog at nagsimulang magbasa ulit. Umupo na din ulit ako sa kama niya. Bahala siya diyan. Wala talaga ako sa mood. "Oy! Sumagot ka naman! Hindi ako manghuhula para malaman kung anong ipinuputok ng butsi mo!" Arghh! Sinarado ko na ang libro ko at tumayo.

"Ano bang gusto mong malaman ha? Wala ako sa mood. Ayaw kong pag-usapan siya, paulit-ulit na lang tayo eh!"

"Eh siya ang gusto kong pag-usapan! Alam mo para kang selosang girlfriend na ayaw pagusapan ang ibang babae! Bahala ka nga diyan!" Oo nga pala, wala akong karapatan. Wala na, gusto ko nang sumabog sa sobrang inis.

"Mahal kasi kita! Ang manhid mo, alam mo ba 'yon? Sa tingin mo ba papayag ako sa ginagawa natin kung hindi? Akala mo ba trip ko lang ito? Hindi. Mahal kita at masakit para sa akin na patuloy mo akong ginaganito!" Gusto kong isumbat sa kanya na kaya ako nagkakaganito dahil sa manhid siya. Bakit ko nga ba isusumbat iyon sa kanya kung ginusto ko din naman?

-

Mahirap para sa akin ang makita siyang nasasaktan, pero kung ito ang nakakabuti para sa lahat gagawin ko ito. Dalawang taon at tatlong buwan din akong nanahimik simula nang matapos siyang mag-aral. Kahit na alam kong madami na siyang ginagawa kababalaghan ay di ko siya pinansin pero ngayon, hindi ko na ito palalagpasin pa.

"Bakit mo ginawa ito Eirenna? Akala ko ba kaibigan kita? Porque mahal mo ako sasaktan mo na ako? Gumaganti ka sa akin 'no? Sagutin mo ako!" Singhal niya sa akin.

"Paano kung gumaganti nga ako? May magagawa ka pa ba? Wala na sila. Nakaalis na." Pangaasar ko. Ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan, pero ito ang nararapat. May mga madadamay na inosenteng tao sa balak niya. Buti na lang at nagawan namin ng paraan.

"Pagsisihan mo ito Eirenna! Tandaan mo 'yan!"

"Then, I'll be the sacrifice." Eto lang ang tanging paraan para makabayad ako sa kanila. Wala na naman akong pamilya, mag-isa na lang ako. Wala na din sila na babantayan ako, I'm on my own now.

"What are you talking?" Kunot-noo niyang tanong

"I'll sacrifice myself for them. Sa akin mo na ibuntong lahat ng galit mo. Pasakitan mo na ako, wala akong pakialam." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at itinulak sa kama. Lasing lang siya kaya niya ginagawa ito.



Copyright ⓒ Chellany 2015, All Rights Reserved.

The SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon