WME 54

499 19 1
                                    

Pagewang-gewang sina Jay Jay at Amira Dane nang pumasok sila sa condo. Panay pa ang tawanan nila.

"Alam mo ba? Ang shitty ng move na 'yon. I mean, bakit ako ipagpapalit sa isang basura na lalaking katulad ni Casper? Lahat, ginawa ko para sa kanya," sabi ni Jay Jay. Amoy na amoy ang alak mula sa kanya.

"Alam mo, walang tao na deserve ang i-treat ng ganoon. You deserve better than that," sagot naman ni Amira Dane. Lasing na rin siya.

"Kaya nga I want to thank you, kasi ginising mo na ako sa katotohanan na di ako mahal ni Alleli," nakangiting sabi ni Jay Jay.

"Pero tanong lang, mahal mo pa rin ba siya? Kahit na ganoon ang nangyari?" kinakabahan na tanong ni Amira Dane.

"Oo naman, di naman agad mawawala 'yon eh. Kaya nga lang, hindi ko na hahayaan pa na gaguhin ako ni Alleli," sagot ni Jay Jay.

"Kahit pa magmakaawa siya sa iyo at sabihin na bumalik ka na sa kanya at magbabago na siya?" tanong ulit ni Amira Dane.

"Yeah, hindi ko na hahayaan pa na gaguhin pa niya ako ulit. Kung kaya kasi niyang gawin noong una, pwede ring gawin niya ngayon iyon eh," sagot ni Jay Jay na ikinatuwa naman ni Amira Dane.

Humiga na si Amira Dane sa kama dahil sa sobrang antok. Si Jay Jay naman ay nag-shower. Pagkatapos mag-shower ni Jay Jay ay nagulat si Amira Dane dahil yumakap si Jay Jay sa kanya.

"Codon, okay ka lang ba? B-bakit mo ko niyakap?" takang-taka na si Amira Dane.

"Wala. Bawal ba? May magagalit ba?" tanong naman ni Jay Jay, parang wala sa kanyang sarili.

"H-Hindi naman. Weird lang for me," nahihiyang sagot ni Amira Dane kay Jay Jay.

Tumahimik lang si Amira Dane, nakatalikod siya kay Jay Jay habang kilig na kilig pa. Patuloy lang sa pagyakap si Jay Jay sa kanya, hanggang sa nakatulog na silang dalawa.

Want Me, Engineer (TES #4)Where stories live. Discover now