"Love!" Sigaw ni Fighter kaya halos mahambalos ko s'ya. Tinignan ko s'ya ng masama. "Kanina ka pang tulala." Aniya.

"In*mo ka, nag-iisip ako! Arte mo!"

"Please na kasi..." Parang bugnot na sabi n'ya at yumakap sa'kin. "Love... Please..." Para hinalukay ang sikmura ko do'n. Ang sexy ng pagkakasabi n'ya. Aalma pa sana ako kaso halata na sakanya ang inis. Ano pang magagawa ko e, maarte ang namimilit?

"Fine!.. pero ako 'wag mong ipapahiya ro'n, ha? Kundi.. naku Prince Fighter, mauuna ka sa taong 50/50 sa ospital.... Magpapalit lang ako—"

"'Wag na!" Putol n'ya sa sasabihin ko.

"Aba! Tignan mo nga ang suot ko! Ihaharap mo ako sa Ate mo nang naka-spaghetti strap sando ako at fitted short?!" Inis na aniko habang nakaturo sa suot ko.

"H-hehehe oo nga, 'no? Bakit kasi ganyan suot mo! Ang ikli ng short—"

"Kaya nga short 'di ba?... May short bang mahaba? 'Pag naka-hanap ka, bibili ako isang dosena." Putol ko. Naningkit ang mata n'ya.

"Isa pa Martina Czanelle... Isang pamimilosopo mo pa, uungol ka—"

"King*na mo! Bala ka d'yan!" Sigaw ko at iniwan s'ya sa labas.

"Joke lang! Sige palit kana!" Habol n'ya pa.

Lintek na 'yon.

Simple lang ang binihis ko white dress lang 'yon na above the knee. Iminessy bun ko rin ang buhok ko at sinuot nagsuot ng necklace, earrings at bracelet. I also put a very lite make up. Nag spray ako nang pabango ko na galing sa Dior at nagsuot ng white flats.

Kailangan presentable ako sa harap nang Ate n'ya mamaya. Baka mamaya strict 'yon. Nakakakaba. Ewan ko bakit hindi ko pa man s'ya nakikita ay natatakot na 'ko. Hindi naman ako ganito dati ah, pero ngayon nanlalamig ako sa kaba.

Ganito pala kapag ipapakilala ng boyfriend 'no? Pakiramdam ko isa na 'kong malamig na bangkay sa kaba.

Agad akong lumabas after kong mag-ayus, akala ko ay aabutan ko si Fighter na kumakain nanaman pero nagkamali ako. Nakatayo s'ya sa harap ng mga photo album at tila nakatitig sa isang litrato. I called him, pero hindi n'ya siguro narinig. Naka-focus lang s'ya sa litratong hindi ko naman makita dahil nakatalikod s'ya sa'kin.

I tried to call him again pero nakatitig parin s'ya do'n, kaya ako na ang lumapit. Tinignan ko 'yung tinitignan n'ya at nagulat nang makita 'yon.

Omg.

'Yung picture nila Dad! Nuong apat sila!... 'Yung picture na may letter ni Mhartina sa likod!

Bakit tinititgan ni Fighter?

"Hoy!" Biglang pukaw ko, dahilan para magulat s'ya.

"Ay Mama!" Aniya. Hanudaw?

"Ha? Anong Mama!? Muka ba 'kong Ina!? " Aniko.

Mabilis s'yang umiling at binasa ang labing nanunuyo bago ibinalik ang litrato sa album.

"N'yare sa'yo? Oks kalang? You're sweating..." Sabi ko at pinunasan ang nuo n'yang pawisan. Nagulat ako nang umiwas s'ya bigla at tinabig ang kamay ko.

"Aww.. w-why?..."

Umiling s'ya at nag-iwas ng tingin. "U-uhm.. t-tara na?" He said nervously. Napakurap ako. Really?

Hindi na ako sumagot dahil sa gulat na naramdaman ko. Tinabig n'ya lang naman ako. Oo mababaw pero, hindi naman kasi s'ya ganuon sa'kin e. Napatingin ako sakanya habang naglalakad s'ya palabas.

Ni-lock ko ang pinto at sinigurong patay lahat nang appliances sa Bahay bago bumaba. Hindi na nga ako sinamahan ni Fighter .

Isinantabi ko 'yon at sumunod sakanya palabas ng bahay. Nag-text narin ako kay lola na pupunta ako kila Fighter.

 Bakit Kaya? (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon