Tipid rin na ngumiti ang lalaki. "Thank you, miss, " he simply answered.

Lihim naman siyang napairap. Napakapormal!

"Agape, call me Agape, " aniya.

He nodded. "Alright, Ma'am Agape, " he answered.

Mas lalo siyang nainis sa sinabi nito pero hindi na lang niya pinansin. Bumalik ang tingin niya sa baso ng tubig na hindi na nito nasundan pang inumin.

Is that enough?

Wala sa sarili siyang napatingin sa lalaki. She stared at his hair and sighed. This is embarrassing but.. nevermind.

"You have something in your hair, " turo niya sa tuktok ng ulo nito.

Archer — that's so weird to say — looked at her with confusion. Hindi nito ginalaw ang kamay kaya't tumayo siya at lumapit sa lalaki.

Pasimple niyang hinawakan ang buhok nito. She smiled in success after that.

Umatras siya ng bahagya. Napawi ang ngitin niya nang makitang nakatingala ang lalaki sa kan'ya habang nakaupo. She was still standing while holding some strands of his hair and then she smiled casually.

"Wala naman pala, namalik-mata lang ako, " aniya at bumalik sa upuan.

He stared at her like he's observing her whole being. Umiwas din agad ito ng tingin at inilibot ang paningin sa loob ng opisina.

Nanatili ang paningin nito sa may desk niya kung nasaan naroon ang buo niyang pangalan sa plate. Halos manlamig ang mata niya nang makitang naroon ang mga picture frames. Mabuti na lang at nakatalikod ito sa gawi nila.

It was their wedding picture. At kapag nakita iyon ng lalaki, siguradong maguguluhan iyon. Hindi pa siya sigurado.. hindi siya puwedeng basta-basta na lang magplano.

"Put your digits here, " she said and handed him the phone.

He shrugged. "I don't have a phone. "

Nanlaki ang mata niya at tumikhim. "I-I let you use the company's card, you can buy phone for yourself. "

Tumango lang ang lalaki at hindi na tumanggi. Pinagsiklop niya ang kamay.. tinatanggal ang natitirang hiya para sa itatanong niya.

"D-Do you.. " she trailed off. Napatingin ang lalaki sa kan'ya, naghihintay ng sasabihin. "M-May asawa ka na ba?"

Halos mapapikit siya matapos iyong tanungin. His lips parted. He seemed amused and she doesn't have any choice but to just bow down her head.

Hindi ito sumagot. Agad nanlamig ang kamay niya. Single naman siguro siya, diba?

"Wala akong asawa, " sagot nito dahilan para agad na umangat ang tingin niya dito.

"Good, " wala sa sarili niyang sambit. Seryosong nakatingin ang lalaki sa kan'ya na tila pinag-aaralan siya kaya agad siyang tumikhim. "I-I mean, g-good.. kasama kasi sa qualifications y-yung walang asawa, " agad niyang bawi.

Talking about how bad she is in reasoning.

"Here, use it then, " abot niya sa lalaki ng card. "And here's my calling card, message me your number after you got your phone. " He nodded.

"Alright. Come back here before 11, I'm having a lunch outside, " she informed. Napatango naman ulit ito.

Archer — okay, this is so awkward — stood up. Bumalik pa ulit ang tingin nito sa loob ng kwarto kung nasaan sila Wine bago mapailing at umiwas ng tingin.

Siya naman ay sinundan lang ng tingin ang lalaki. Ngunit bago pa man makalabas ang lalaki sa pinto, nanlaki ang mata niya sa naisip at agad na tinawag ulit ang lalaki.

Billionaire Diaries #1: Gray Pereiraحيث تعيش القصص. اكتشف الآن