Mystery 1

3 2 0
                                    

Habang masayang naghahapunan ang pamilya Jaquin sa kanilang mansyon sunod- sunod na putok nang baril ang kanilang narinig di kalayuan sa bukana ng higante nilang gate. Napuno ng pangamba ang buong mag anak lalo na ang Ama ni Lily na si Heneral Lesandrro Jaquin.

Puno ng takot ang mga mata ni Doña Beatriz ng tumingin ito sa kanyang asawa. Ang panganay na si Lily ay nakayakap na sa kanyang ama dahil sa takot at ang bunso naman sa pamilya na si Lesantriz ay walang alam sa nangyayari at patuloy lamang ito sa pagkain ng paborito nitong pritong manok at Ham.

Sa kabilang dako isang grupo ng mga lalaki at may dala dalang matatas na uri nang baril ang syang pinag mulan nang mga putok na narinig nang pamilya Jaquin. Kung saan ang kanilang pakay ay patayin si Heneral Lesandrro Jaquin.


"Hello Ma'am?" bungad ni Miguel ang lider ng grupo sa taong nag utos sa kanila.


"Pano po ang asawa at mga anak nang Heneral?"tanong nito sa kabilang linya..


("kayo nang bahala sa kanila..kung gusto nyong patayin ay gawin ninyo..!") sagot naman nang babae sa syang may utos na ipapatay ang Heneral. Wala itong puso at kasing sama ng baliw na tigre ang ugali nito.

Nang maubos na lahat nang bantay sa paligid ng bahay nang Heneral ay nagtungo na ang mga ito sa loob mansyon upang maisagawa na ang kanilang pakay.

Sa isang mahabang lamesa kung saan masasarap na pagkain ang nakahain ay naroon at magkakayakap ang mag anak. Puno man nang takot ay sinubukang magtanong nang Heneral kung ano ang kailangan nang mga ito.


"Ang buhay mo Heneral kasama na ang iyong Mahal na asawa at mga anak.!" sagot nang lider ng grupo.

Nang sinubukang lumaban nang Heneral ay unang bumagsak sa sahig at napuno nang dugo ang asawa nito. Kasunod ang bunso nitong anak. At bago pa man makapag salita ang Heneral ay agad na syang napasalampak sa sahig dahil sa tama nang baril sa kanyang dibdib. Ngunit bago ito mawalan ng hininga ay nabigkas pa nito ang pangalan nang panganay nitong anak.


"Li...ly..."

Ang huling salitang lumabas sa bibig nang Heneral ay ang pangalan ng kanyang anak.

Dahil sa tunog ng sirena ng mga pulis ay agad na nagsipag alisan ang mga taong pumatay sa Heneral at sa pamilya nito. Hindi na nila nagawang mapatay ang isa pang anak ng Heneral.


Author's Note:
This is my first time na gagawa ako nang ganitong flow ng story. So sorry if it's not perfect, I'm still practicing how to write story properly. Hope you like it somehow.!Thank you so much.!

Disclaimer: This is a work of fiction. Some names, events, places, and incidents mentioned in this story are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental or just used as fictional character only.

Written by:
Paulilycious_15

March 1, 2021

Lily ( On Going )Where stories live. Discover now