Anong...

"Regina?"

Lumingon sa kanya si Regina. "Bigla bigla na lang siyang sumusulpot, diba nakapagtataka? Feeling ko may kinalaman siya sa lahat ng mga nangyayari... simula nang dumating ang babaeng iyon.. kung anu-ano na ang nangyayari" bumuntong hininga ito saka ibinalik ang seryosong mukha "Anyway, Tara na Andrea, asikasuhin na natin ang paghahanap kay Ada" Tumalikod ito at bumalik sa loob ng bahay.

"Regina..." mahina niyang bulong habang nakatitig siya sa likuran nito. Bumilis ang tibok ng puso niya sa mga nangyayari. Hindi niya rin maunawaan ang biglang pag-agos ng kung ano sa kanyang utak. Ano ba ang tawag doon?

Hinala?

==========o==========

Nagpasya silang matulog sa bahay ng kanyang pinsan na si Ada para bantayan ang mama nito. Tumawag na ang mga ito ng pulis at nagpatulong sa paghahanap, kahit si Regina ay dito na rin natulog. Sinabihan pa sila ng mama ni Ada na huwag munang papasok sa kwarto nito. Kung ano ang dahilan ay hindi muna niya inintindi. Pagod siya ngayong araw kaya ipinasya niyang matulog muna sa isa sa mga kwarto. 

Maya-maya'y nagising siya dahil sa kakaibang amoy. Amoy na parang nabubulok na kung ano. Halos takman na niya ang kanyang ilong dahil sa amoy na iyon. 

Nakakasuka.

Binuksan niya ang ilaw sa kwarto at ang electricfan saka inilibot ang tingin sa buong kwarto ngunit wala siyang makitang kahit anong kakaiba. Tumingin na rin siya sa basurahan ngunit wala siyang makitang kahit ano. 

"Ano bang amoy iyon?"

Hindi na niya nakaya kaya binuksan niya ang bintana para makalanghap ng kahit konting simoy ng hangin. Ngunit kahit ang pagbukas niya ng bintana ay hindi nakatulong. Andoon pa rin ang mabahong amoy na iyon. Masakit sa ulo ang amoy na iyon.

"Ang baho talaga. Saan ba iyon nanggagaling?"

**Blag**

Napalingon siya sa labas nang marinig niya ang ingay na iyon. Parang mga librong nagbagsakan. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang kwarto at sumalubong sa kanya ang kakaibang dilim na hindi niya maipaliwanag kung bakit nagdulot sa kanya ng kakaiba ring takot.

"Saan galing iyon?"

Nang alisin niya ang takip sa kanyang ilong ay hindi pa rin nawawala ang mabahong amoy. Parang buong bahay ata ng kanyang pinsan mayroon ang amoy na iyon. Hindi niya tuloy matukoy kung siya lang ba ang nakakaamoy doon dahil parang walang tao sa  bahay nila gayong ang alam niya'y dito rin natulog ang kanyang mga magulang.

**Blag**

Napalingon siya sa kwarto ng kanyang pinsan na malapit sa kanyang kwarto. Doon kasi nanggagaling ang lagabog na iyon. Lumapit siya roon at walang pasintabi na binuksan iyon. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay naaninag niya ang kwarto nito.

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Where stories live. Discover now