07

2 2 0
                                    

Messenger

kulot salot
Dec 24 AT 1:25 PM

Kris
Oi pota

Minie
Oh baket

Kris
Wala na si Paulo???

Bakit hindi ko alam?

Sabi ni Ate Ariela pumunta pa raw tayo ng burol nong March???

Minie
Oo pumunta tayo

Kris
Anong pumunta?

Hindi ako pumunta!

Last week buhay pa si Paulo!

Nakausap ko pa siya!

Minie
Alam mo

Ang weird mo

Pano mo makakausap e patay na nga. Spirit whisperer ba peg mo?

Kris
Tanga e hindi naman talaga patay si Paulo!

Tsaka anong pumunta

Walang burol na naganap!

Minie
Pumunta nga tayo! Alalang alala ka pa nga kay Lina tapos dinamayan mo pa

Ano bang problema mo?

Ayos ka lang ba?

Kris
Kayo yung hindi maayos kasi kung anu-ano pinagsasasabi niyo!

Una si Luna na hindi niyo maalala

Kahit anong search ko sa Facebook acc niya, wala!

Pangalawa, si Paulo na buhay na buhay pa last week!

Minie
Ikaw ang may problema

Walang Luna, okay?

Tsaka ilang buwan nang wala si Paulo, puntahan mo pa sa sementeryo. Gusto mo si Lina, di ba? O ayan, puwede na kayo.

Madalas ka niyang tignan, napapansin ko. Para ngang gusto kang kagatin e. Jk.

Kris
Putangina

Minie
Kalmahan mo lang

Dahil sa kape siguro yan

Tsaka magpapasko na uy

Chill!

Kumpleto na ulit fam mo kaya mag-enjoy ka na lang dyan

Kris
Kumpleto...

Di ba nagtataka ka kung pano nabuhay si Papa?

Minie
Hmm

Oo

Ewan. Weird pero ang cool.

Kris
Tangina di ka nag-aalala?

Minie
Ha? E bakit naman?

Sabi mo nga okay naman si tito?

Kris
Si Online Genie!

Minie
Ano meron?

Oi

Bat di ka na nag-reply

Pabitin to

Bahala ka nga

Online GenieWhere stories live. Discover now