BLOOD #1

10 0 0
                                    

IPUTOK MO

Nakilala ko si Zero nung nasa college ako. Tahimik lang siya pero sobrang angas ng datingan niya tipong hindi mo makikita sa ibang lalaki. Natural lang ang bawat dating niya.

Halos anim na taon na kaming magkasintahan, madalas sa kanilang bahay na ako natutulog. Wala ang mga magulang niya dahil nasa abroad daw. Sa tuwing paguusapan namin sila ay umiiwas siya. Hindi na ako nagpumilit pa doon na alamin bakit hindi siya sinama kaya naman mag isa nalang siya.

Wild akong tao habang si Zero?
Napakamisteryoso niyang lalaki.
Pero kahit ganun, hindi niya ako binibigyan ng sakit ng ulo.

"Babe? Kumusta araw mo?" Tanong ko sa kanya at umupo sa kandungan niya.

Agad naman ako nitong siniil ng halik dahilan para mawala ako sa sarili ko.

"Zero, saglit. Saan kaba galing?" Tumitig ito sakin. Para bang hinihigop ako ng mga tingin niya.

"Wala, may inasikaso lang akong importanteng bagay." Ngumiti ito ng bahagya.

"Mas importante pa sakin." Umiling ito at ngumisi.

"Syempre hindi." Agad ako nitong binuhat at dinala sa kama.

Naging masaya ang gabi namin na iyon. Halos hindi ko na matandaan ang bawat detalye dahil sa pagkalunod ko kay Zero.

Tanghali na ng magising ako
Agad akong bumangon dahil hindi ko na nadatnan si Zero, wala akong pasok dahil weekend. Napaisip nalang ako kung saan ba ang lakad niya ngayon.

Agad akong nagluto ng mga pagkain para paguwi ni Zero ay may kakainin na siya. Napangisi naman ako ng maaalala ang kagabi.

Halos tatlong oras na ang nakalipas
Narinig ko ang malakas na paglagabog ng pintuan.

"Z-Zero?" Halos mahimatay ako sa nakita.

Duguan si Zero at ang talim talim ng mga tingin niya. Ngumisi ito ng bahagya at lumapit sa 'kin.

"Z-Zero a-anong n-nangyari?" Nanginginig kong tanong.

Hinalikan ako nito sa noo bago nagsalita.

"Alam mo ba ang sekreto kong trabaho, Yanna?" Bulong nito sakin.

Umiling ako.

Napahakhak ito ng bahagya.

"Pinapatay ko ang mga taong malalapit sayo, Yanna." Napahagulhol ako sa narinig.

"Nakakainis naman kasi ang mga magulang mo, bakit ayaw nila sa 'kin? Dahil ba ulila ako? Dahil ba napatay ko ang mga magulang ko noong bata pa ako? Eh kasi naman nakakarindi sila. Puro awayan, sigawan. Nakakarindi diba? Parang yung mga magulang mo sakin. Pinapalayo ka sa 'kin. Nakakarindi." Napailing ako.

"Z-Zero, h-hindi t-totoo y-yan."

"Totoo Yanna. TOTOO" Sigaw nito at hinawakan ang pisngi ko.

"Lumayo na daw ako sayo, sabi nila." Humalakhak 'to, saka humagulhol ng iyak.

"Yanna." Tawag niya sakin at yumakap. "Ayaw kong malayo ka, kaya pinatay ko sila. Diba hindi mo naman ako iiwanan diba?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Kahit duguan ay hindi ko nalang ininda. Dahil ang tanging naririnig ko ay ang mga salita ni Zero at ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"H-Hindi."

"Mahal mo 'ko diba?"

Kahit labag na sa kalooban ay sumagot ako.

"O-oo." Agad ako nitong siniil ng halik.

Ginawa ko itong paraan para makuha ang baril na nakaipit sa bewang niya.

Agad kong tinulak si Zero dahilan para matumba siya.

"Yanna. Anong ginawa mo?" Matalim na tumingin ito sakin.

"Diba? Gusto mong mawala lahat ng malalapit sakin?" Tinutok ko ang baril sa kanya, habang ang daliri ay nakahandang kalabitin ang gatilyo.

Humalakhak ulit ito na parang wala na sa katinuan.

"Sige nga Yanna, iputok mo! Iputok mo Yanna." Napailing ako habang nanginginig sa takot.

"Iputok moooo na Yanna."

"Mahal kita, pero ipuputok ko na." Sambit ko.

Napatayo si Zero at gigil na gigil na lumapit sa 'kin.

Tinutok niya ang mga noo sa baril na hawak ko.

"Iputoooooooooo-" hindi na natapos ni Zero ang sasambitin.

Napabulagta na ito sa sahig at umawas ang dugo na nagmula sa butas niyang noo.

Lumapit ako dito saka siya siniil ng halik.

"Nagkaroon din ako ng dahilan, para makasama ang aking kabet."

Napahalakhak nalang ako sa nangyari.

"Kahit kelan, hindi pwedeng malaman. Ang sekreto kong matagal kong iningatan."

-

READ. VOTE. COMMENT💗

Blood, Sweat and PenWhere stories live. Discover now