"Okay, I promise" saad ko kaya nginitian niya ako. Binalak niya na naman akong halikan ngunit hinarang ko na naman ang kamay ko para hindi matuloy ang plano niya.


"Why can't I kiss you?" Reklamo niya.


"Pagkatapos kang halikan non, hahalikan mo 'ko?" Nagsalubong ang kilay ko nang maalala ang nangyari "Nakakainis ka talaga!" Hinampas ko ang balikat niya.



"Bakit ako?" Naguguluhang tanong niya.



"Naiinis ako! Anong mararamdaman mo kapag nadatnan mo 'kong may kahalikang iba ha?" Barumbadong sabi ko na para bang nagyayaya ng away sa kanto.



"Don't say that" Sumeryoso ang mukha niya.



"Ayaw.." Huminto ako dahil nahihiya ako sa gusto kong sabihin. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga kamay ko bago tinuloy ang pagsasalita ko "Ayaw kong nakikitang may kahalikan kang iba" I said in a low voice.



Hindi ako makatingala sakaniya dahil ramdam ko ang titig niya sa 'kin. His hands went on the back of my head and pulled me closer to him. My face is now leaning on his chest while his left hand is supporting my waist and his right hand is stroking my hair.



"You're making me blush" He chuckled. "Hindi ko hahayaang dumampi ang labi ko sa iba" Pagpapagaan niya ng loob ko. Napangiti ako dahil sa sinabi niya at inayos ang ulo ko sa pagkakasandal sa dibdib niya.



"Talaga huh? Baka tumalikod lang ako may babae kana kaagad" Pakikipag- away ko.



"Hindi kapa tumatalikod may babae na 'ko" bulong niya.



"Anong sabi mo?!" Inis akong umalis sa pagkakasandal sa dibdib niya at tinignan siya nang masama.



"I'm just kidding" He chuckled and pinched my cheeks. Sa tingin ko namumula na ang pisngi ko dahil sa sobrang diin ng pagkakapisil niya.



"Sa sofa ka matutulog mamaya" I rolled my eyes. Namilog ang mga mata niya at halatang nagsisisi na nagbiro pa kanina. Dapat lang.



"Nagbibiro lang ako wife" pagkukumbinsi niya sa 'kin.



"Heh! Do-" he interrupted me by cupping my lips with his lips. He kissed me slowly and every seconds it's getting deeper and deeper. Nakahawak ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya at buti nalang nakasuporta ang kamay niya sa bewang ko kung hindi nahulog na 'ko sa sobrang lalim ng halik.



"Shit wrong timing!" May narinig akong sumigaw kaya tinulak ko palayo si Ian.



Sabay kaming tumingin sa gawi kung saan nanggaling ang boses at nakita si Dash at kasama si Lia. Tinatakpan ng kamay ni Dash ang mata ni Lia habang si Lia naman ay may hawak na ice cream.



"Uh.. Aalis na rin kami" Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya 'yon  nalang. 




"Uuwi na rin ako" Ian said and walked towards where his bag is located. 





"Susumbong kita kay tito! Cutting ka na naman!"  pananakot ni Dash kaya natawa ako. 




"May pamilya kaba?" Pagsusungit ni Ian kaya napahawak si Dash at nag aktong nasaktan. 




"Medyo foul!" Umirap si Dash bago tumalikod at padabog na umalis. 




"What do you want for dinner?" Tanong ni Ian at humarap sa 'kin, naghihintay ng sagot. 




"You will cook for me?" Tanong ko, naexcite ako don ah! Gusto ko siya yung nagluluto.




"Yes" He nodded. Pumalakpak ako at binigyan siya nang malawak na ngiti. He licked his lower lip and shook his head playfully when he saw my smile. 




"Let's go, kailangan nating mag grocery" he said. Naglakad siya papunta sa drawer at kumuha ng wipes doon. Lumapit siya kay Lia at dahan dahang pinunasan ang gilid ng labi nito.  Ang dungis niya dahil sa pag-kain niya ng ice cream. 

Married To My Bestfriend's BoyfriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant