Fight For Love [10]

2 0 0
                                    

*C H A P T E R 10*

"Pag katapos nun, hindi na kami nag kita. I actually wonder kung nasaan na yung batang lalake na yun eh. Pero ayus lang kahit hindi ko na siya makilala." I said while shrugging. Napalingon naman siya sa akin.

"Why?" He asked with his usual deep and cold voice. I turned my head to get a better look to his face. Ang pogi niya talaga kahit seryoso. Pano pa kaya kapag palatawa siya?

Because you're already here, I mumbled quitely to myself. Na sinigurado ko, na kahit katabi ko siya. Hindi niya 'to maririnig. His eyebrows furrowed in confusion. Namula naman ako bigla.

I shrugged in response, before looking straight ahead. Arggh! Muntik kana niya marinig!! Stupid! I angrily told myself.

Tahimik lang kaming nagmasid sa paligid ng may nakita akong mag ina na nakaupo sa kabilang bench. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ng nakita ko kung paano sila mag halungkat sa basurahan. I remember something. Me and my Mom. We were once look like that.

I swallowed the lump on my throat and raised my head to prevent the tears from slipping, after some second, tinapunan ko ulit ng tingin yung mag ina at tumayo.

"W-Wait here. I'll just buy some f-food." My voice broke at the end. Kaya dali dali akong nag lakad palayo, para maghanap ng bilihan ng pagkain.

May nakita akong Jollibee, kaya pumasok ko at umorder ng pagkain. Mahaba pa yung pila kaya napatulala na naman ako at yung mga alaala na ayaw ko ng ma alala ay bumabalik na naman.

"Ma, gutom na po ako." Umiiyak kong sabi. Kanina pa kasi tumutunog yung tiyan ko, at sa bawat tunog masakit ito.

"Hayaan mo anak mag hahanap si Mama ng pagkain natin. Konting tiis nalang." Sabi ni Mama habang pinupunasan yung mga luha ko.

Buong araw kami nag hanap ng pagkain, pero wala. Masyadong madamot at walang awa ang mga tao sa mundo. Kaya wala na kaming mapagpipilian kung di ang maghalungkay sa basurahan.

"What's your order Ma'am?" I blinked for a couple of times bago napatingin doon sa babaeng na sa likod ng cashier.

"Uhh, Dalawang order po ng Two piece of chicken with two extra rice." Sabi ko bago kinuha yung wallet ko sa bag ko.

"500 po ang total, Ma'am." Sabi nung babae. Binuksan ko yung wallet ko at hindi nagdalawang isip na ibigay yung natitira kong pera.

"Here's your order, Ma'am. Thank you!" Sabi nung babae kaya nagmadali na akong bumalik sa park.

At laking tuwa ko ng nandun pa yung magina at si Storm na nakatingin sa akin. Lumapit muna ako sa kanya at nilagay yung bag ko sa tabi niya.

"Paki bantay ah? Saglit lang 'tong gagawin ko. Sorry kung pinag antay kita ah?" Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya habang may naka kunot na noo.

Lumapit ako sa magina na mukhang walang nahanap na pagkain, tiningnan ko yung bata, the same age ako sa kanya, madungis, at mabaho. Sirasira yung damit at gulo gulo ang buhok. Sobrang payat niya, and I can say six years old lang siya.

Napatingin naman ako sa nanay nung bata, parehas din sila ni Mama noon. Sobrang tanda ng itsura kahit na bata pa naman, payat na rin ang katawan, sira sirang damit at gulo gulong buhok. Madungis rin. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Tuluyan na tong tumulo.

Sumikip na naman yung dibdib ko ng makita ko ang mga sarili namin ni Mama dito. Tuluyan na akong lumapit sa kanila.

"Pagkain po." Sabi ko. Napatingin naman sa akin yung bata. At napatili ito sa saya kaya nilapag ko yung pagkain sa bench. Kinalabit nung bata yung Mama niya kaya napatingin ito sa akin at doon sa pakain.

Napaiyak naman yung nanay sa tuwa at may ginawa siyang hand gesture.

At napa hagulgol ako ng tuluyan ng may na realize ako.

She can't speak and hear. That worsen this pain that I'm feeling for them.

Fight For LoveWhere stories live. Discover now