"Ayyy ayaw ma reject" natatawang sabi naman ni M,mas lalo tuloy akong nainis,hindi ko nalang sila kinausap pa.

tinignan ko kung nagchat naba si winter
at may 3 message s'ya,agad ko itong binasa

Winter:

Nakauwi na kami.

Winter:

Mag suswimming naman kami ngayon kasama sila pinsan.

Winter:

Iiwan ko 'tong cp ko sa k'warto baka kase makalimutan ko mamaya eh.maya nalang tayo mag chat.

Haysss... Lagi nalang s'yang may ginagawa at gagawin paano kami magtatagal nito,wala s'yang time para saakin

BALANG ARAW  mabibigyan mo din ako ng oras at hindi na ako magtitiis na antayin ka.

________________________________________

Kaylin

Nagsimula na kaming mag swimming ni winter habang si mamommy naman at si kuya ay nag-iihaw ng barbeque na binili ni ate mey kanina

"Ate kaylin,akala ko ba mag uunahan tayo?,tara na ah" aya saakin ni winter 

"Aba!,gusto mo talagang nag unahan tayo ah,sige. Tara oh" sabi ko naman at pumunta sa kabilang dulo ng swimming pool kung  nasaan s'ya

Natatawa tawa pa s'ya at naghanda na para sa unahan namin sa pagsuswimming

"Oh tara. 1. 2. 3. Go!" Sabi ko at agad naman s'yang lumangoy.

Ako naman ay inantay ko pa s'yang makapunta malapit sa gitna bago ako lumangoy.

Kaya ko lang naman s'ya inaya na magswimming at mag unahan kami dahil alam ko na sasaya s'ya, lalo na kapag nananalo s'ya laban saamin , iyon lang naman ang gusto naming mangyare kaya kami nagpapatalo,hindi kami nagagalit ni kuya sakanya kapag nananalo s'ya,hindi rin naiinis o kung ano pa man dahil kami din mismo ang nagpapaubaya para maging masaya lang s'ya, dahil kapag masaya s'ya, masaya nadin kami.s'ya ang saya namin kaya ayaw na ayaw namin s'yang nakikitang nalulungkot at malalim ang iniisip.

Lumangoy na ako ng malapit na s'ya sa gitna,narinig ko pa ang cheer saamin nila mama at ni rayli.

Nang makarating na sa dulo si winter ay tuwang tuwa s'ya. Ayon ang gusto kong makita sakanya. Ang nakangiti o kaya tumatawa s'ya

"Yeheyy,nanalo ako" sabi n'ya at itinaas pa ang kamay at tu atalon talon sa tubig

"Oo na,nanalo kana,edi sanaol." Malungkot kunwari na sabi ko

",Yeheyy thankyou ate,sorry na aylabyuuu" sabi n'ya at lumapit pa saakin para ikiss ako sa pisngi at yakapin

Ang sweet ng pinsan ko na ito,sana ganito parin s'ya kapag lumaki laki pa s'ya

Ngumiti lang ako sakanya

"Dahil nanalo si winter,s'ya ang unang kakain ng inihaw namin na barbeque" biglang sambit ni kuya kaya napahiwalay si winter sa yakapan namin at agad na umahon

"Yey,pahingi po" sabi naman ni winter at naglahad pa ng kamay,omayyyhartt she's so cute.

"Eto oh,dahan dahan sa pagkain at baka mapaso ka" natatawang sabi ni rayli

"Thank you, kuya ray" nakangiting sabi ni winter at kinuha ang barbeque

"Sis,eto sayo" sabi naman saakin ni rayli at sabay abot ng isang stick ng barbeque

"Salamat." Sabi ko naman at kinuha ang ibinigay n'ya

"Ang sarap!" Halos isigaw na ni winter iyon ng matikman n'ya ang barbeque

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Balang ArawWhere stories live. Discover now