10

10 8 0
                                    

Winter

Sobrang nag enjoy ako sa araw na ito,feel ko sobrang dami ng ginawa namin,ang saya ng pinanood namin at nakikita ko sa mata nila na masaya sila kapag masaya ako,kaya nila ginagawa ito.

"Nag enjoy kaba,winter?" Tanong saakin ni kuya rayli

"Oo,kuya sobraaaang saya ko,salamat.
the best ka talagang kuya" sabi ko at niyakap pa s'ya

"Mamommy,ate kaylin. thank you din sainyo dahil sumama kayo" baling ko naman sakanila at niyaka din sila

"Walang anuman,basta ikaw" sabi naman ni kuya rayli at kiniss pa ako sa noo,ang sweet talaga ng kuya ko na ito,the best talaga.kahit na hindi ko s'ya totoong kuya,pinaparamdam n'ya parin saakin na parang totoong kapatid n'ya ako

Ngumiti lang saakin si mamommy at ate kaylin

"Tara na't umuwi,diba mag na-night swimming pa tayo,winter" masayang sabi saakin ni ate kaylin,oo nga pala,bigla kong nakalimutan iyon ah,mas'yado kase akong nag enjoy eh,andami naming ginawa kanina pagkatapos manood ng sine,pumunta pa kami sa quantum at naglaro,namas'yal din kami ulit kanina.

"Oo nga pala,nakalimutan ko na may swimming pa pala tayo ate mamaya"natatawang sabi ko

"Oh,tara na,uwi na tayo at nang  masimulan na ang pag suswimming"sabi naman ni kuya rayli at pumagitna pa saamin ni ate kaylin para akbayan kami pareho papuntang sasakyan,si mamommy naman ay nasa likod namin

Pumasok na kami sa sasakyan at umuwi na,nagpatugtog lang kami habang nasa byahe

Nang makauwi na kami ay agad na pumasok si ate kaylin sa loob at dumiretso sa kuwarto n'ya,ako naman ay tinignan muna ang swimming pool para makita kung nalinis ba ito ng tagalinis,malinis naman kaya pumunta na din ako sa loob para makapag bihis sa kwarto,alas siyete na ng gabi at magsisimula kaming maligo ng alas otso ng gabi

Narinig ko ang pagbukas ng pinto na galing sa labas,si ate kaylin siguro iyon.

"Winter,tara na bumaba para makaligo na tayo,bilis. excited na ako" rinig kong sabi ni ate kaylin mula sa labas ng k'warto ko kaya nagmadali na akong makapagpalit at lumabas na

Sabay kami ni ate kaylin na pumunta sa swimming pool area,nakita ko doon si mamommy at si kuya rayli na nag-iihaw

_________________________________________

Lynzh

Ilang araw na kaming hindi nakakapag usap ni winter ng matagal,lagi lang s'yang nag a update saakin ng gagawin n'ya at bigla din mag a out,hindi ko din s'ya matawagan dahil hindi naman daw s'ya mahilig sa ganoon,kaya ang ending,kung ano ano nanaman ang gagawin ko habang inaantay ko s'ya,hayyy...

Chat saakin kanina ni winter na pupunta daw sila sa mall dahil nanalo s'ya sa paglalaro nila ng bola ng pinsan n'ya,magaling pala s'yang mag bola,hmmm. Maaya nga s'ya minsan.

"P,kamusta na kayo ni winter?" Tanong saakin ni J

"Hindi nga kami gaano nag-uusap,kainis" sabi ko naman

"Hay nako,kailangan mong mag tiis,nililigawan mo s'ya eh,kapag may karapatan kana talaga sakanya,tsaka ka mag reklamo" napairap nalang ako

"Alam mo P,itigil mo nalang 'yan kung hindi mo na kayang tiisin na antayin s'ya,kesa naman 'yang maya't maya tinitignan mo 'yang cellphone mo kung nagchat na ba s'ya"seryosong sabi naman ni T

"Kung para sainyo madaling itigil 'to, saakin hindi. Hindi ko s'ya titigilan,hanggang sa maging kami,aantayin ko s'ya hanggang sa maging kami,at titiisin ko ang mga matatagal na chat n'ya basta maging kami"sagot ko naman sakanila

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 08, 2022 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Balang ArawDonde viven las historias. Descúbrelo ahora