"Bakit ka umiiyak, Insan?" untag naman ni Kyler na hindi na rin mapakali dahil panay ang tantrum.

"I see Sunny on her.." sagot nito.

"Your twin sister? You mean you see Gneiss as her?" dagdag pa ni Kyler.

"Yes." 'yan na lamang ang sagot nito.

Naroon naman sa kumpulan si Sapphire na walang ibang ginawa kung hindi makipagdaldalan imbis na tawagan ang mga magulang ng pinsan niya, She really don't care about Gneiss, kahit pa siguro mamatay ito ngayon ay mag-ce-celebrate pa siya.

Dumating rin ang ambulance na rumesponde kay Gneiss mas mabuting i-diretso na lamang ito sa Ospital. Hindi puwedeng isama si Kian dahil bata ito at may klase pa sila pero nagpumilit siya. Habang nakahiga si Gneiss sa loob ng ambulansiya ay nakatitig lamang ito sa kaniya. Wala pa ring malay si Gneiss, mahina rin ang pintig ng puso niya kaya agad ikinabit ang oxygen para may alalay ito.

Pagkapasok sa Hospital ay idineretso siya sa Emergency room, hindi na puwede roon ang kasama ng pasyente na si Kian lang at ang adviser nila. Naupo sila sa upuan sa labas ng room, napahilamos na lang sa mukha si Kian habang nilalabanan ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib.

Maya-maya pa ay dumating na ang Papa at Mama ni Gneiss na labis ang pag-aalala, kaagad silang lumapit kay Kian at binigyan ito ng yakap.

"How was Gneiss?" naiiyak nang sabi ni Ruby, ang Mama ni Gneiss.

"Nasa loob pa lang po Mrs. Ruiz ang Doctor, mamaya ay lalabas na rin ito." pag-singit ng guro nila.

Sumilip pa sa kurtina ang Papa nito na hindi rin mapakali dahil lakad ito nang lakad. Lumabas rin ang Doctor na nag-examine sa kaniya pagkaraan ng ilang minuto.

"Who's the guardian of the patient?" tanong ng lalaking Doctor habang inaayos ang stethoscope, nakasunod naman sa kaniya ang isang Nurse na nakahawak ng chart.

"I'm her mother." umabante si Ruby, pinapakalma rin naman siya ng asawa nito.

"The patient has a dengue according to the test kailangan niya ng sapat na pahinga at kailangan niya ring kumain ng mga masusustansiyang pagkain dahil napakababa ng platelet count nito." paliwanag ng Doctor. Napatakip na lang sa mukha ang Mama ni Gneiss at parang gumuho ang mundo sa narinig. This is the first time that Gneiss has hospitalized, kahit may asthma ito ay hindi siya na-ospital ngayon lang talaga.

"Thank you Doc." pagpapasalamat ng Papa ni Gneiss. "I'll go ahead." pagpapaalam ng Doctor at saka na lumiko sa kabilang ward.

Pumasok sa ER sina Kian, Parent's ni Gneiss at ang kasa-kasama nilang class adviser.

"Ma'am mauuna na po ako, kung maaari may klase pa po kasi ako." pagpapaalam ng guro nila, lumapit pa ito kay Gneiss at hinaplos ito sa may kamay.

"Thank you Ma'am sa pag-alalay." ngumiti ang Mama at Papa nu Gneiss.

Tumango lamang ang guro at saka na nilisan ang  lugar. Naiwan naman si Kian na ayaw halos iwanan si Gneiss.

"Ikaw Kian hindi ka pa ba babalik sa klase mo?" pagtatanong ni Ruby.

"Hindi na po, Tita darating rin mamaya sila Mama dito, babantayan ko na lang siya." napasulyap ito sa walang malay pa rin na si Gneiss.

"Thank you Kian, Gneiss is right napakabuti mo ngang kaibigan." sagot nito. Sinuklian na lamang 'yon ni Kian ng simpleng ngiti.

Nakaupo lamang ito sa tabi ni Gneiss, hindi niya ito iniwan, hanggang sa dumating na ang mga magulang rin nito ay hindi pa rin siya umalis sa kinauupuan para kumain man lang. Gabi na rin pero ayaw niya pa ring umuwi.

"Hindi ka pa ba uuwi anak?" pagtatanong ng Papa ni Gneiss na tumabi sa kaniya.

"Hindi pa po, Tito hihintayin ko munang magising siya." aniya at saka ulit ibinalik ang tingin kay Gneiss.

"Baka, bukas pa siya magigising paano na 'yan?" malungkot na saad nito. 

"Hindi, po alam ko magiging siya ngayon rin." paniniguro nito, tumayo siya at saka tumakbo palabas. Tinawag rin siya pero hindi na ito lumingon, diretso lang siyang nagtungo sa exit room ng Ospital.

Binuksan niya ang pintuan papunta sa may rooftop, nang mabuksan niya ito ay bumungad sa kaniya ang mga sunflower na nakalagay sa malalaking paso na nakahilera sa may gilid, bukod sa sunflower ay may daisy rin at rose.

Maingat siyang pumutol ng bulaklak nito gamin ang I.D niya. Nakakuha siya ng dalawang tangkay, at agad ring bumalik sa loob ng kuwarto.

Pagkarating niya roon ay gising na si Gneiss at masaya na ring nakikipag-kuwentuhan sa lahat. Napatingin sila kay Kian nang bumukas ang pinto. Hawak nito ang bulaklak na itinago niya sa kaniyang likod.

"Kian.." ngumiti si Gneiss at kaagad ring niyakap si Kian na ngayon ay nasa harapan na niya.

"Salamat dahil hindi mo ako iniwan." utas ni Gneiss.

"Wala 'yon, siyempre kaibigan kita. Hindi kita puwedeng iwan basta." giit nito at napangiti na rin.

"Puwede bang sa'yo na 'to?" walang pag-aalinlangan niyang iniabot ang sunflower, medyo nahihiya siya kaya hindi niya kayang tignan si Gneiss ng buo.

"Oo naman! Nagiging favorite flower ko na 'to, dahil sa'yo." inamoy pa ni Gneiss ang bulaklak, hindi mawala ang ngiti nito sa labi kahit na may sakit.

"Doon na muna kami sa may sofa, iiwan na namin kayo rito." pag-singit ni Ruby at Karen.

Tumango lang sila pareho, nang masiguro ni Kian na hindi na sila nakatingin sa kanila pareho ay bumulong siya kay Gneiss.

"Simula ngayon, hindi na kita iiwan.."

ForcedWhere stories live. Discover now