Akmang aalis na si Grace ng may patalim ang papunta sa kanya agad siyang gumawa ng medyo maliit na portal kaya pumasok lamg doon ang patalim

Lumitaw ito sa bandang ulo ng babae na kinabigla nito pero agad lang ding naka ilag

"Wrong move bitch"maangas na saad ni grace at nilapat ang kamay sa babae

Nanalaki ang mata ni glim at agad na tumakbo papunta sa babae

"Sofia alis!"asik niya at mabilisang tinulak si sofia lumitaw ang isang portal sa harap ni Glim kasabay nito ang pagbagal ng oras

Napatingin sa kanya ang kanyang kapatid na puno ng pagtataka sa ginawa niya, nakatingin lang si glim kay sofia kasabay nun ang paglaho niya kasama ang portal

Nanlaki ang mata ni sofia at tarantang nag palingon lingon pero wala nang glim ang nakita niya

"What did you do?"taranta nitong tanong habang ang iba ay natahimik agad na tumayo ng maayos si Sofia at lumapit pa sa dating pwesto nito

"Anong ginawa moooo!!!!"asik ni Sofia na may masamangbawra kay Grace

Malamig lang na nakatingin sa kanya si Grace tas ngumisi lang din

"It's supposed to be you but she saved you so bago magalit sakin magalit ka muna sa sarili mo"saad ni Grace at agad ngumiti ng peke

Mas lalong nagdilim ang awra ni sofia dahil sa narinig kusa namang lumitaw ang portal sa likuran ni Grace

"If your curious where glim is, just say Hell"saad ni Grace at agad nawala kasama si myla

Salita na mas lalong nagpapainit sa dugo ni Sofia, agad siyang nag senyas sa mga white hunters na umatake habang siya gigil na gigil

May halong sakit at galit ang naramdaman niya dahilan para sa bawat lumalapit sa kanya ay agad niyang kinikitilan ng buhay

Napahinto siya ng napansin niya si Brian ay erick na nakatitig sa kanya

"Magbabayad kayo!"sambit niya at agad na tumakbo pa punta kay Erick agad namang gumawa ng panangalang si erick

Masyadong malakas si Sofia dahilan para mabasag ang panangalang at tumilapon ito

Sinalubong naman ng buhangin ni Brian si Sofia pero naka ilag naman ito na kina ismid ni brian, tinaas niya ang kamay niya at nilapat kay sofia

Pwersahang tumama kay Sofia ang mga buhangin na tiyak na nakakapag bigay ng malalang galos sa katawan

Bumagsak sa lupa si sofia ilang sandali pa tumayo ito na puno ng dugo ang katawan at tumawa lamang

Habang sina Michael na abala din sa pakikipaglaban kasama ang ibang section star

"You think you can win?"saad ni sofia habang naghahabol hininga kapansin pansin ang injection na hawak niya dahilan para mapakunot ang noo ni Erick na kakatayo lang

Marahan niyang tinurok sa sarili niya kasabay nun ang dahang dahang pag galing ng mga sugat niya at tila yung dati niyang lakas ay nagbalik

Tumayo siya ng tuwid habang nakatingin kina brian na puno ng gulat

"Di ako mag sasawang gamitin yun ng paulit ulit"saad nito na may tono ng pang aasar kina brian

Napatigil si brian ng wala pang segundo naka rating sa harap niya si sofia

"Better know my ability first"kampante nitong saad at agad na sinakal si brian

Agad namang nagpakawala ng kapangyarihan si Erick at agad niyang binalot sa barrier si brian na naghihikaos

EXTRAVAGANT [FUTURE AND PRESENT]Where stories live. Discover now