CHAPTER ONE

24.4K 937 497
                                    

MILK GAUDINO



     PAGKAGISING ko ay masakit ang braso kong nadaplisan kagabi

Napadako ang tingin ko sa sofa, nakaupo don si Kuya Khalil habang nakatingin sa laptop ko?

"Hey Kuya, what are you doing in my laptop?" Kunot noong tanong ko

Nag sign lang sya ng wag akong maingay, tumayo naman ako atsaka sya nilapitan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mandidiri dahil sa pinapanood nya

"Seriously? Mermaid barbie?"

"Shhhh, baka madinig ka nung bruhang kalaban, mahuhuli nyan sila Barbie." Sabi nya habang tutok na tutok sa pinapanood nya

Sa totoo lang gusto ko syang batukan, maiintindihan ko kung nasa twenty plus ang manonood ng barbie pero thirty two years old at lalaki pa? Jusko ang sarap mambatok

"I can't believe this, siguro naihulog ka ng Mommy mo sa duyan kaya sinto sinto ka." Inilingan ko sya atsaka nagtungo sa C.R tapos naghilamos

"Yung USB..." Mabilis kong kinuha ang bag ko at hinanap doon ang USB

Nang makita ko ay inagaw ko kay Kuya Khalil ang laptop ko

"Hindi pa tapos." Reklamo nya. "Milk!!"

"Shut up!" Inis kong sabi

Isinaksak ko yung USB sa laptop ko, may nag iisang files yun kaya agad kong binuksan na hindi ko pala dapat ginawa

"Stop! Ughh!!" Umiiyak na ungol ng babae sa video habang inaano sya ng dalawang lalaki

"Shut up b*tch!!!" Sagot ng isang lalaki

Napahawak naman ako sa bibig ko dahil walang awa nilang binaril sa ulo ang babae. Tiningnan kopa ang ibang video at halos lahat ganon

Yung pinakahuli ang nakaagaw ng pansin ko, pito silang lalaki yung isa walang maskara. Wait, is that senator Mujeño?

"Isusumbong kita! Inagaw mo sakin ang laptop para lang makanood ng porn." Sabi ni Kuya Khalil. "Isusumbong talaga kita kay Milo."

"Wtf! Kuya Khalil, hindi ako nanonood ng porn! Tiningnan ko lang yung laman ng USB." Inis kong sagot atsaka pinindot yung isa sa mga videos

"UGHH...AHHH.."

"WAHHHH!! MY VIRGIN EYES!!!" Sigaw nya atsaka nagtakip ng muka tapos tumakbo palabas ng kwarto ko

Sinto sinto ngang tunay

Napailing iling na lang ako bago hugutin ang USB atsaka ibalik sa bag ko. Sino yung mga taong yun? Bakit nandon ang isa sa pinakasikat na gwapong Senator?

Sila kaya yung grupo ng mga tao na nababalita na nangre-rape tapos papatayin nila yung biktima nila at itatapon na lang kung saan saan--

"OO MILO TOTOO YUN!! SI MILK NANONOOD NG PORN!!!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kuya Khalil

May kausap sya sa phone at siguradong si Kuya Milo yun. Mabilis kong inagaw ang cellphone sa kanya

"Kuya don't believe him! I'm not watching porn!" Sabi ko sa kabilang linya. "Tiningnan ko lang yung laman ng USB."

"Wtf Milk! Muntik ka ng mamatay dahil lang sa USB na yun na puro porn!" Sabi ni Kuya Milo kaya napahampas na lang ako sa noo ko

"Hindi porn videos ang laman ng USB, puro rape videos yun, pinapatay nung mga lalaki yung mga babae pagkatapos nilang galawin!." Sagot ko. "Kuya mag isip ka nga, sa tingin mo ha-hunting-in ako ng mga bad guys na yun dahil lang sa USB na puro porn?."

"You have point." Ang tanga kausap. "But be careful Milk, malalaking mga tao ang binabangga mo."

"Kailangan ko lang mahanap yung Marvin, then tapos na ang problema ko."

"Bakit hindi mona lang isuplong sa mga pulis yang USB?" Singit ni Kuya Khalil na nasa tabi ko

"Isa sa mga lalaki sa videos ay senator kaya pwede niyang bayaran ang mga pulis para lang makuha ang USB." Sagot ko dito

"Ede dun mona lang ibigay sa senator para ikaw ang bayaran." Proud na ngumiti si Kuya Khalil

Tatadyakan ko talaga ito

"Kuya wala na bang ibang pwedeng magbantay sakin!? Pag si Kuya Khalil ang kausap ko feeling ko mamamatay ako!" Inis kong sabi sa kabilang linya

"Siya na lang ang pwede, don't worry kahit ganyan yan mahusay yan." Sabi nito. "I gotta go, tawagan mo ako kapag may ginawa yang abnormal na yan sayo."

"Sige Kuya." Binaba kona ang tawag at binigay kay Kuya Khalil ang cellphone nya

"Tapos ka ng manood ng porn? Pwede na akong manood ng barbie?" Tanong nito

"Hindi nga ako nanood ng porn! Basta lumayas ka sa harap ko baka matadyakan pa kita!"

"Panong tadyak!"

Akmang tatadyakan ko sya pero mabilis syang tumakbo papasok ng kwarto ko

Ang aga aga nakaka-stress

Nagtimpla ako ng kape ko atsaka nagpalaman ng tinapay tapos umupo sa upuan. Nasa ganon akong posisyon ng tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha

"Hello?"

"Hello Milk? Nandyan ba si Sofia?"

Si Tita Fina. Sofia is one of my friend

"Wala po Tita, bakit po?"

"Kagabi pa kasi sya hindi umuuwi, tinawagan kona din si Brandon at Ashia ang sabi wala din daw doon. Hindi rin sya tumatawag, baka may nangyari ng masama doon"

"Don't worry Tita, tatawagan kopo sya."

"Sinubukan kona Milk, kaso patay ang cellphone."

"Hahanapin kopo sya, basta po babalitaan kona lang kayo."

"Sige Iha, salamat."

Binaba nya na ang tawag

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, wag naman sana....Tumayo ako atsaka nagtungo sa kwarto

"Kuya Khalil, aalis ako." Sabi ko

Sinarado naman nya ang laptop. "I'll come with you, delikado ang buhay mo."

Nauna syang lumabas kaya sumunod ako, hindi na ako nakapagpalit. Nakapantulog lang ako

"Wait, saan nga pala tayo pupunta?" Takang tanong nya

"Kahit saan basta kailangan kong mahanap si Sofia." Sagot ko

"Sino si Sofia? Anong itsura nya?" Tanong ulit nya

"She's my bestfriend." Kinalikot ko ang phone ko at naghanap ng picture ni Sofia. "Ayan si Sofia."

"Yan? Kakakita ko lang sa kanya kanina---"

"--Saan?"

"Sa Facebook, natagpuan syang patay. Ngayon sa tingin ko nasa punerarya na sya." Sakto namang tumunog yung cellphone ko

"Milk, wala na si Sofia" umiiyak na sabi ni Ashia. "Natagpuan syang walang buhay kanina."

Napaiyak na lang ako bago ibaba ang cellphone ko

"Hala, bakit ka umiiyak?" Tarantang tanong ni Kuya Khalil

"Patay na si Sofia." Umiiyak kong sagot

"Ang galing kong manghula--Aray, bakit ba!?"

"Patay na yung tao nagsasaya kapa!"

Bigla na lang syang umiyak. "Huhuhu, ang galing kong manghula."

Konti na lang ito na itutumba ko







A/N: SARAP TADYAKAN KAPAG GANYAN ANG KAUSAP

11 Years Gap: The Childish and The Matured child [COMPLETED]Where stories live. Discover now