23

43.9K 1.2K 242
                                    

"THEY look like my brother."

Hindi magawang makatingin ng diresto ni Summer kay Orion. Matamang nakatitig naman ang lalaki sa mga anak niya. Nang magkita sila sa labas ng restroom ng restaurant, he insisted na magkausap sila, kaya naman kahit ayaw ng kuya Warren niya, isinama nila ang lalaki sa bahay nila.

"Ako muna ang magbabantay sa kambal, doon lang kami sa playroom para makapag-usap kayo ng maayos." sabi ng kuya Warren niya matapos buhatin ang kambal.

"Salamat, kuya." pilit siyang ngumiti. Tumango ang kapatid, mabilis siya nitong hinalikan sa noo bago nito masamang tinignan si Orion na nakaupo sa couch na ramdam niyang nakatingin sa kanila, saka ito umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Kamusta ka na? It's been two years since you left my brother." he said while directly looking at her eyes. Hindi naman siya nakapagsalita agad, she's scared and intimidated.

"Bakit ka umalis, Summer? Bakit mo iniwan ang kapatid ko?" diretsong tanong ni Orion sa kanya nang sila na lang ang tao sa living room.

Hindi na niya napigilang umiyak. "Dahil binigyan niya ako ng dahilan para umalis at iwan siya! Nauna niya akong iniwanan, ilang araw akong naghintay sa kanya para magpaliwanag ng maayos, pero ano? Malalaman ko na lang na nagpapakasaya siya sa kandungan ng ibang babae?"

"What do you mean?" kunot-noong tanong ng lalaki. "Tell me, Summer."

Pinalis niya ang mga luha sa pisngi niya, sinubukan niyang pakalmahin ang sarili dahil halos manginig siya sa halu-halong emosyon na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

"B-bago ako umallis ng Pilipinas, nakatanggap ako ng video. Nakikipag-sex si Comet sa ibang babae. Hindi ko naaninag ng maayos dahil madilim ang video pero sigurado ako na siya iyon dahil..." nakagat niya ang pang-ibabang labi. Paano ba niya sasabihin? Nakakahiya naman kung sasabihin niyang kabisadong-kabisado na niya ang bawat ungol ni Comet sa dami ng nangyari sa kanila noon?

"I get it. But do you still have any copies of that video? Do you think the possibilities na maaaring hindi rin si Comet iyon? You both wasted two years dahil lang sa video na iyon. Hindi mo ba naiisip na pwedeng may gusto lang sumira sa inyo?"

Napayuko siya ng ulo. May punto naman ang sinabi ng lalaki, kaya ayun, nagi-guilty siya. "H-hindi niyo naman po ako masisisi, tao lang din ako. Nasasaktan at nagkakamali."

She heard him sighed. "Fine, I will do something first, pero wala ka pa rin bang balak bumalik sa Pilipinas? Lalo na iyan, may mga anak na kayo. My brother still love you so much. He also missed you so bad. Nahihirapan na kami pigilan ang tarantadong iyon sa pinaggagagawa niya sa buhay niya. Sigurado ako na ikaw lang ang makakapagpatino sa kanya or else, baka mabaliw na iyon."

"H-he still love me?" parang gustong tumalon ng puso niya sa sobrang saya.

"Yes. Inaantay lang niya na bumalik ka sa kanya. And please, mag-usap kayo ng maayos. I know that you still love each other, huwag niyong sayangin ang mga panahon para maging masaya. It's not too late to be happy."

Tumayo ang lalaki mula sa kinauupuan nito, sinimulang maglakad papunta sa pinto. "Say hi to my nephews for me. And Snow also wants to say that she missed you too, See you when I see you, Summer."

Nakatulala pa rin sa kawalan si Summer nang makaalis na ang lalaki. Pinunasan niya lang ang mga luha nang makita ang kuya Warren niya na papasok ng living room.

"Yung kambal, kuya?"

"Sleeping." maikling tugon nito. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "So, are we going back to the Philippines?" tanong nito sa kanya.

Serendipity (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon