Hindi Tayo Pwede

22 8 12
                                    

"I love you, Ali" mahinang sambit niya na muli na namang nagpangiti sa akin.

"I love you more, Tim" mabilis na sagot ko habang hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi.

Buong araw kasi kaming magkasama, pumasyal. Pumunta kami sa mall, nanood ng movie, naglaro sa world of fun, sumakay sa mga rides, kumain sa paborito kong Jollibee, at higit sa lahat, sabay naming pinanood ang paglubog ng araw.

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang umaapaw na saya at kilig sa puso ko.

Marahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Can I kiss you... here?" pabulong na paalam niya. Mahina akong natawa.

Nandito kasi kami sa park at kahit gabi na, marami pa ring tao.

"At kailan ka pa natutong magpaalam?" nakataas ang kilay na tanong ko.

Knowing him? Hindi ata uso sa kanya ang salitang paalam.

"Ngayon lang, bakit? Hindi mo ba ako papayagan?"

"Paano kung hindi nga?" nansusubok na tanong ko.

Napangisi naman siya. "Well, I'm a certified thief, Ali. I know you---" hindi ko na siya pinatapos at mabilis na ninakawan siya ng halik. Ang daming sinasabi eh!

Bigla namang nanlaki ang mga mata niya. Pffftt...

"What the? D-did you just... steal a kiss from me?" hindi makapaniwalang tanong niya na ikinababa ng mga kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Bahagya rin siyang napaatras. Halata sa mukha niya ang gulat.

"Well, I'm a certified thief too, Tim" proud na sagot ko at saka ipinagkrus ang mga braso ko. Sandali naman akong napalingon sa paligid, mukhang wala namang nakakita.

Napapitlag ako nang bigla na lamang may humigit sa bewang ko at inilapit sa kanya. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa mata niya. "Then... let's steal a kiss from each other" nakangising sambit niya at walang pasabi na inilapat ang mga labi niya sa labi ko.

Oh my god Tim!

Pagkatapos ng medyo nakakahiya pero nakakakilig na eksenang 'yon ay inihatid niya na ako sa bahay namin.

"See you tomorrow, Tim. I love you, ingat sa pagmamaneho"

"I love you too, Ali"

Hinalikan niya muna ako sa noo bago tumalikod. "Pumasok ka na. Good night! Thank you for this day, Ali... and I'm sorry"

"Huh? Hindi ko masyadong nari---"

"Wala 'yon. Sige na! Bye. I love you"

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maliligo na sana ako nang makatanggap ako ng isang text message galing kay Tim.

Good Morning! Ali, I'm sorry. Hindi kita maihahatid ngayon sa trabaho mo pero ako pa naman ang susundo sa'yo mamaya. Is it okay?

Agad naman akong nag reply sa kanya.

It's okay Tim. Ingat. I love you.

Hindi pa man nakakalipas ang ilang segundo nang mag reply siya. I love you too, Ali.

Mabilis lang ang oras at hapon na. Nandito ako sa labas ng pinagtatrabahuhan kong restaurant habang hinihintay si Tim. Ilang minuto lang ay nakikita ko na ang paparating niyang pulang kotse.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasan isipin, kailan niya pa nagustuhan ang red? College pa lang kasi kami, hate niya na ang red. But then, siguro na realize niya na, maganda naman talaga ang pula.

One Shot StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora