• Acceptance •

164 11 7
                                    

                                                        • • • • • •

Naunawaan ng kanilang mommy ang ikinuwento nito. Ngayon ay malinaw na kay mommy Lorice ang lahat. Hindi naman siya nagalit, bagkus natuwa pa nga siya. Dahil nakita naman nito sa alien na hindi ito mananakit ng tao. Inosente ang mukha at hindi naman nakakatakot ang itsura, hindi mapapansin na kakaiba ito.

Ilang sandali pa ay gumalaw na si Bagwis. Tumayo sa pagkakaupo si mommy Lorice at lumapit sa anak. "Bagwis.." mahinang sabi nito.

"Mommy.." tugon ni Bagwis sa ina.

"Kuya.. kamusta ka na? Ano ba nangyari sa'yo?" tanong ni Mayumi.

"Si Qwimi? Nasaan?" tanong nito sa kapatid at sa ina.

Nagtinginan muna si Mayumi at mommy Lorice. Umiling-iling ang dalawa, dahilan para mabahala si Bagwis.

"NASAAN SI QWIMI!" Sigaw nito. Hindi na napigilan ni Bagwis ang mapasigaw. Pinilit niyang tumayo, subalit nahihilo pa rin ito.

"Anak.. ano ba talaga nangyari sa'yo?" tanong ni mommy Lorice.

Sumeryoso ang mukha ni Bagwis at nagsimula ng magkwento sa kanyang mommy Lorice. "Kanina, nagkasagutan kaming dalawa ni Qwimi. Panay hanap siya kay Mayumi, sinabi ko naman na nasa school pa ang kaibigan niya, pero paulit-ulit pa rin siya ng pagtatanong sa akin kung nasaan si Mayumi. Sa irita ko, nasigawan ko siya at umuwi ako dito sa bahay. Pagkabalik ko sa repair shop, nakita kong nadantayan niya ang t.v, umuusok at mukhang aapoy na. Sa takot ko na masunog ang repair shop, sinigawan ko ulit si Qwimi at pinalayas ko siya.."

Umupo ulit sa bangko si mommy Lorice, "Tapos?" tanong nito pagkaupo.

"Tiyempo naman at maagang umuwi si Mayumi, kasabay ng pag-alis ni Qwimi. Pinilit kong ipaliwanag kay Mayumi ang nangyari, pero umiyak siya at nagmakaawa na hanapin ko si Qwimi--"

"Oi kuya, hindi ako nagmakaawa sa'yo ah! Gawa-gawa ka na naman." Usisa ni Mayumi sa ikinukwento ng kapatid.

"Dahil sa ayokong malungkot ang kapatid ko, kahit labag sa loob ko. Hinanap ko si Qwimi sa labas. Bandang alas-tres ng hapon, may nakita akong dalawang lalaki na may hinaharass na babae. Nakajacket at nakapants. Sa isip-isip ko na baka si Qwimi ang babaeng 'yon. Sinigawan ko ang dalawang lalaki--"

"Wow tapang ni kuya ah! Hahaha!" Usisa na naman ni Mayumi.

"Ssshh! Mamaya ka na umepal anak." Seryosong sagot ni mommy Lorice.

Mukhang interesadong interesado itong si mommy Lorice sa ikinukwento ni Bagwis. Talagang pinakikinggan nito ang pahayag ng anak.

"Tapos, humarap sa akin ang dalawang lalaki. Sinuntok agad ako ng isang lalaki, mabuti na lang at nasalag ko 'yon ng braso ko. Pagkatapos, 'yung isang lalaki naman ang sumugod sa akin, may dalang patalim. Muntik na akong masaksak sa dibdib, mabuti na lang at nasalag ko ulit. Kaya may sugat ako sa braso. Mabuti na nga lang at hindi ako napulsuhan."

Nabibitin si mommy Lorice sa ikinukwento ng anak, "Tapos?" seryosong sabi nito.

"Tapos.. kinuha ko ang teargas sa bag ko na nasukbit sa pantalon ko. Sinabi ko na granada ang hawak ko. Napansin ko naman na epektib ang ginawa ko dahil tumakbo agad 'yung isang lalaki pagkasabi ko na may hawak akong granada. Tapos 'yung isa naiwan, hindi raw siya natatakot sa granada. Dahan-dahan akong lumapit, 'BOOM!!' Sigaw ko.

"Talagang may action pa kuya ah? Hahaha!" Pang-aasar ni Mayumi.

"Mayumi, halika nga dito." Pagtatawag ni mommy Lorice. Lumapit naman si Mayumi at iniyuko ang kanyang ulo. Pagkayuko ng anak, tinakpan ni mommy Lorice ang bibig ng anak. "Sige anak, pagpatuloy mo na ang kwento mo." Natatawang sabi nito.

Natawa rin si Bagwis sa ginawa ng kanyang mommy. Kaya bago nito ipagpatuloy ang kwento, humalakhak muna ito ng tawa. "Tumakbo ang lalaki pagsigaw ko ng BOOM. Hindi ko alam, nakalabit ko pala ang pin ng teargas. Nalanghap ko ang usok, pagkatapos nawalan na ako ng malay. Hindi ko nga po alam mommy kung bakit ako napunta dito sa kwarto ko."

Nang matapos si Bagwis magkwento. Binitawan na din ni mommy Lorice ang kanyang anak. "Woh! Grabe kayo sa akin mommy. Hindi ko naisip na magagawa niyo po akong saktan. Muntik na po akong hindi makahinga. Ho hu ho!" Hinihingal na sabi nito. Animo'y tumakbo ng napakalayo.

"Asus.. nagdrama na naman ang bunsong anak ko." Hinawakan ni mommy Lorice ang kamay ng anak at niyakap niya ito. "Alam mo anak.. at alam ko rin na close kayo ng kuya Bagwis mo. Kaya nga nagawa niyo akong paglihiman diba? Pero hindi ako nagalit. Dahil mahal ko kayo, naiintindihan ko kayo. Saka nakikita ko naman masaya ka, masaya kayo. Kaya wala akong dapat na ikabahala. Sa tingin ko naman hindi masamang alien si Qwimi. Kaya welcome na welcome siya para sa pamilya natin." Mahabang salaysay ni mommy Lorice.

"Naku si mommy naman ngayon ang nagdrama! Tayo na.. tayong tatlo na ang dapat bigyan ng parangal. Si kuya Bagwis, best actor. Ikaw po mommy, best supporting actress--"

"Eh ikaw Mayumi?" singit ni kuya Bagwis.

"Oo nga.. bakit best supporting actress lang ako?" tanong naman ni mommy Lorice. "Huwag mong sabihin na.." pambibitin na sabi ni mommy Lorice.

Umalis sa pagkakayakap si Mayumi sa kanyang mommy at tumayo ito sa gitna ng kwarto ni Bagwis. "Ano pa nga ba mommy, kuya? Syempre BEST ACTRESS po ako! Hahahaha!" Natatawang sagot ni Mayumi.

"Bata ka pa kaya anak, dapat sa'yo.. Best Child Actress. Hehehe!" Natatawang sabi ni mommy Lorice.

"Mommy! Dalaga na po kaya ako! I'm thirteen years old na po." Katwiran ni Mayumi sa ina.

"Eh di Best Teen Actress!" Sabi ni Bagwis.

Masaya at nagtatawan ang buong pamilya ng mga oras na 'yon. Nakalimutan na nila si Qwimi na nakaupo sa gilid ng kama ni Bagwis.

"Yxesamam.. Ochamapap.." mahinang sabi ni Qwimi. Narinig ni Bagwis ang mahinang sinabi ni Qwimi. Napatingin ito sa kaliwang bahagi ng kanyang kama at nakita niyang nakaupo ang alien at nakasubsob ang mukha sa tuhod nito.

"Namimiss na niya siguro ang kanyang pamilya." Sabi ni Bagwis sa ina at sa kapatid.

Nilapitan ni Mayumi ang kaibigan at hinawakan nito ang kamay ni Qwimi. "Qwimi.. namimiss mo na ba ang magulang mo? Uuwi ka na ba sa planeta niyo? Iiwan mo na ako?" malungkot na sabi ni Mayumi.

Tumayo si mommy Lorice at lumapit kay Mayumi. Hinagkan nito ang anak. "Mayumi, anak.. sana naiintindihan ni Qwimi ang sinasabi mo. Saka kung mapagdesisyunan man niyang umuwi na sa planeta nila. Wala na tayong magagawa anak. Dahil una sa lahat, alien siya. Hindi niya tayo naiintindihan. Pero kahit na ganoon, iparamdaman na lang natin sa kanya na tao rin siya. Turuan natin siya kung paano mamuhay ang isang tao. Lalo na ang lengguahe natin. Alam mo anak.. lahat ng bagay ay napag-aaralan, kung pagsusumikapan lang."

Hindi na napigilan ni mommy Lorice ang pagtulo ng kanyang luha. Pati si Bagwis ay naiyak na rin sa sinabi ng kanyang ina. "Qwimi!!" Sigaw ni Mayumi at niyakap nito ang kaibigan na alien.

"Qwimi.. huwag mo kaming iiwan ah. Huwag mo akong iiwan. Pero kung gusto mo ng umalis. Okay lang, basta ityempo na wala ako dito sa bahay. Ayokong makita ang pag-alis mo, hindi ko kakayanin at baka pigilan kita. Mahal kita Qwimi, kahit alien ka. Bukod kay mommy at kuya Bagwis, isa ka sa nagpapasaya sa akin. I love you Qwimi!"

Humagulgol sa iyak si Mayumi at tumakbo ito papunta sa kanyang kwarto, pagkatapos sabihin ang nilalaman ng kanyang puso.

"MA-YU-MI.." Mahinang sabi ni Qwimi.

                                                        • • • • • •

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/EditingWhere stories live. Discover now