SIMULA

15 1 0
                                    

SIMULA

 

‘Narinig mo na ba ang kwento ni Aling Maria?’

 

‘Grabe! Nakakakilabot!’

 

‘Paano kung mangyari sa totoong buhay ang ganun?’

 

‘Sana naman ‘wag! Oh my gee!’

 

‘Nagpapaniwala naman kayo dun, kaya nga urban legends ang tawag eh.’

 

‘Corny!’

 

Nagising ako mula sa isang panaginip. Kasama ko ang ilang mga bata na hindi ko matandaan na nakilala ko o nakausap ko man lang pero ang pangalang “Aling Maria” ay pamilyar sa akin dahil siya ang matandang kinukuhanan dati ni Nanay ng gulay kapag wala kaming ulam.

Imbis na isipin pa ang panaginip ay nagtungo ako sa banyo upang makapaligo, may pasok nga pala ako ngayon at kinakailangan kong mareview ang mga bata para sa nalalapit nilang pagsususulit.

San Lorenzo High School, 08:00

 

“Magandang umaga po, Binibining Cruz!” Masiglang pagbati ng aking unang klase. Tumango ako bilang turan at inilapag ang gamit ko sa teacher’s desk. Isa-isa kong tinignan ang aking estudyante at inalala ang kani-kanilang pangalan dahil hirap ako magkabisado ng pangalan lalo na, at limang klase ang hawak ko; ang isang klase ay may higit sa 40 na estudyante.

“Magandang umaga sa inyo! So class, nasaan na nga tayo sa ating pinaguusapan kahapon?” Ni-isa ay walang nagtaas ng kamay. Napailing ako nang makita ko ang isang estudyante ko na nagmamadaling tignan ang kanyang notebook, “Ikaw Mr. Albuera, alam mo ba?”

“Ah, te-teka ma’am… Heto! Mt. Banahaw na tayo, ma’am!” Kakamot-kamot ito ng ulo nang mapansin ang paglingon ng kanyang mga kaklase sa kanya.

“Magaling. Sino sa inyo ang may alam tungkol sa Mount Banahaw? Kahit narinig niyo lang sa mga nakaraang klase niyo.” Ginanahan ako magturo ng isa-isa na silang nagsipagtaas ng kamay upang magbigay ng opinyon. Napatingin ako sa gawing kanan ng klase at napansing nakataas ang kamay ng aking estudyante na tahimik.

“Yes, ano yun Ms. Lopez?” Dahan-dahan itong tumayo at nag-angat ng ulo. Ibinaba niya ang kamay na may benda na ginamit niya upang tawagin ang atensyon ko. “Alam niyo ba ang kwento ng Mount Cristobal ma’am?”

Umiling ako, “Nasa Mount Banahaw pa lang tayo, Ms. Lopez.”

“Alam ko po. Pero ang Mount Banahaw at Mount Cristobal ay magkadugtong na bundok, kung ang Banahaw ay ang Holy Mountain, ang Cristobal po ay ang “Devil’s Mountain”.  Yang is incomplete without its counterpart ma’am- Yin, at iyon ay ang Mount Cristobal.”

Tumaas ang balahibo ko sa batok ng dahan-dahan niyang binanggit ang Devil’s mountain, of course alam ko ang kwentong iyan dahil lumaki ako ng Laguna. Pumalakpak ako para tanggalin ang nakakapangilabot na ihip ng hangin, “Thank you Ms. Lopez for sharing, so class pakilabas ang inyong kwaderno at may ipapasulat ako.”

Nang maikabit ko ang visual aid sa blackboard ay naupo ako agad dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko, muli kong nilingon si Ms. Lopez. Mataman pa rin siyang nakatitig sa akin at saka biglang ngumiti.

                                             

   

Alumni '95حيث تعيش القصص. اكتشف الآن