Magical Smiles

586 7 9
                                    

Kasama ko si Janice sa paglalakad papunta sa cafeteria ng school namin. Napadaan ako sa bulletin board ng announcements. Di ko pinansin.

Teka. Parang may pink na papel na nakadikit. Wala pa yun kahapon ah.  I took a second look.

“February is LOVE MONTH! Juniors and Seniors, the JS Promenade will be on February 7. Come and spread the love!”

WOW. Eto na..eto na..eto na.. RAAAAAWR! Ito ang event na pinakaaabangan ko buong high school life ko. Sabi kasi ng Ate ko, super saya daw nun. Lahat nag-aalaTRANSFORMERS.:)))) Yung tipong mapapa-WOW ka talaga sa mga classmate mo kasi di mo akalain na super ganda at super gwapo pala nila pag naayusan at nabihisan. Tapos di mo rin aakalain na ang mga nerdies, kagaling din palang humataw sa dance floor.:”>

Dito mo mararanasan yung tunay na PARTY-PARTY with your barkada pero di masyadong makasalanan. You know what I mean? Yung tipong di nakakaasiwa kung san may mga seksing babaeng  OA humataw at mga manyak ang kaharap, tapos may nag-iinuman at nagyoyosi pa all around. And yung music, piling-pili, HINDI yung mga tipo ng kanta nina Britney, Lady Gaga (yung iba lang naman) at mga rapper na kung anu-ano ang nasa lyrics ng kanta na may masama’t malisyosong meaning pala.

At ang isa pa daw sa masaya dito, maisasayaw ka ng mga boys. Sabi ni Ate, tuwang-tuwa siya kasi bihira niyang makausap yung ibang friends niyang lalaki in a way na nasasabi nila yung mga ‘something personal’ about them. Halimbawa nalang yung mga tipong ‘Alam mo, si ganito, tagal ko nang type yan, pero di niya pa rin ako napapansin..’ Minsan, mga nakakatawang bagay naman ang pinag-uusapan nila ng kasayaw niya. Sa isang buong gabi, parang andami mo nang nalaman. Bihira lang daw talaga yung pagiging open ng boys sa girls at sa JS lang nabulgar ang tinatago ng karamihan.^^

Ganun ang sabi ni Ate. At ako? Excited ako sa Prom kase…

Kasi gusto kong isayaw ako ng LONG TIME CRUSH KOOO! Ehem, si DYLAN.>_<. Grabe, since Grade 4 crush ko na siya. Matagal ko nang tinatago yun, 3rd year high school na ko ngayon. At ayaw kong malaman niya. Saka na pag, uhm, may feelings na siya for me. TARAAAY! Aaminin ko rin yun nang bonggang-bongga.;)) But for now, sikretong malupit pa rin ito. [Pero sa inyo sinabi ko. HEHE.]

Nga pala, ako si APRIL. April Kate Costancia is my full name. APRIL 8 kasi ang birthday ko kaya naging APRIL KATE. Binase lang sa sound. AAARR. Kung nakakapagreact lang sana ako nung newborn pa lang ako, nabatukan ko na parents ko. JOWK LANG.^^ Ayos lang naman di’ba, kahit common na yung name ko? And it’s my given name, ito ang gusto ni Lord para sakin. Pronounce it with beauty . Say “ APRIL.” Oh dibaa?

Curious kayo sa itsura ko? Self-proclaimed CUTE ako.:)))) No kidding, most people tell me that I’m beautiful. PERO… MAS TANGGAP KO YUNG CUTE. Medyo chubby ako eh. Feeling ko kasi, ang adjective na ‘beautiful’ ay bagay lang sa may mga ‘coca-cola body.’ Maputi ako, mestisa, at may mga nagtanong na rin kung may lahing foreigner ako. PERO WALA NOH, PROUDLY PINAY KAYA TO.:)) My height is reasonable for a 14-year-old.

Mangilan-ngilan na rin ang nanligaw sa’kin, pero ayoko pang sumabak sa mga ka-ek-ekan sa buhay tulad ng commitment. BATA PA KO.^^ Tsaka, ehem! Sorry nalang, my heart’s already taken. CHAROSS! Eversince, hinihintay ko lang si DYLAN my crush. Actually, PINAPANGARAP. I dunno why, dami naming iba jan. Wooh. Is this love already? Haaay..

Hmm..si Dylan? Crush ko siya kasi..uhm, maraming dahilan! Super gwapo niya, owvherr! Matangkad siya, at mestiso rin. Dami ngang may gusto dun e, pero pihikan din. Minsan, suplado, pero ayos lang naman ang pagsusuplado. At least, di niya inaabuso yung KAGWAPUHAN niya para makipag-flirt sa maraming girls. Napaka-gentleman nga nun e, kahit kanino. Always humble din ito kahit na all-time MVP siya sa basketball at first honor pa. THAT’S WHY I LIKE HIM SO-SO MUCH!!

Magical SmilesWhere stories live. Discover now