Chapter 1

8 2 0
                                    

6am.

Maaga akong gumising upang gumayak papasok ng school. Pagkatapos maligo ay dumiretso na ako sa kusina upang kumain ng almusal. Nadatnan ko si Mama na busy sa pagcecellphone.

"Aga nyan ma ah."  bati ko kay Mama. Napansin kong kunot na kunot ang noo nito sa hawak na cellphone.

"Nak pano nga i-heart ito?" tanong ni Mama sabay turo sa akin ng isang post ng kanyang kumare sa Facebook.

Natatawang tinuruan ko si Mama kung paano mag-heart react sa FB. Hindi man techy ang aking ina, hindi naman ito pahuhuli sa pagaaral kung paano gamitin ang teknolohiya sa makabagong panahon. Naks ang lalim kala mo naman tunay, hahaha.

Pagsapit ng ika-30 minuto ng alas-sais ng umaga ay umalis na rin ako ng bahay upang pumasok sa school.

Naglalakad ako sa hallway ng aming building ng maramdaman kong may humila ng aking buhok papunta sa gawing kanan malapit sa hagdan ng pasilyo. Kilala ko kung sino lang ang may lakas ng loob na gawin sa akin ang ganitong karumal-dumal na gawain.

"Regina Cay! Tigilan mo ang maganda kong buhok!" sigaw ko kay Regina, ang aking bestfriend / enemy no. 1. Kaklase at kaibigan ko si Pata girl simula elementary kaya ganun na lamang akong balahurain ng bruhang ito. Kung sinuman ang may karapatang mangbully sa amin ay walang iba kundi ang isa't-isa lamang.

Ngunit syempre, may exemption. Nakita kong naglalakad na parang may hinahanap si Robert sa pasilyo at dumaan sa aming harap habang kami ay nagtatago ni Regina sa may hagdan. Tulad ni Pata Girl, matalik na kaibigan ko rin si Roberto, ang batang bato. Pare-pareho kaming nag-aaral sa Athens University at kumukuha ng BS Business Administration. At pare-pareho kaming bully ng isa't-isa. Sa katunayan, iyon ang aming past time. Sabi nga nila, birds of the same feathers are family. Ngiiiiii.

Tatawagin ko sana si Robert ngunit hinilang muli ni Regina ang aking buhok.

"Anu ba Regina para kang timang. Ba't ba tayo nagtatago?" sambit ko kay Regina.

"Wag kang maingay. Sssshhhh ka lang. Hindi tayo pwedeng makita ni Roberto." mahinang sabi nito.

Saka ko lamang naalala na natalo nga pala si Regina sa pustahan naming magkakabarkada kung sino ang may pinakamataas na marka sa English 1, ang pinakamahirap na subject sa lahat. Charot!

At kung sino ang matalo ay manlilibre ng pizza at ice cream sa cafeteria. Sumilay ang pilyang ngiti sa aking kissable lips. Akala yata ni Pata Girl nakakuha sya ng kakampi. Hahahahahaha.

"Robertoooo!" sigaw ko habang patakbong yumakap kay Robert. As usual, para pa rin itong bato, manhid. In short, NR.

Nakita kami nitong lumalabas mula sa ilalim ng hagdan.

"Hayup ka Maxine! Akala ko kakampi kita! Kay Roberto ka pala kakampi!" sigaw ni Regina sa akin na may halong panggigigil.

"Aba syempre kanino ba ako kakampi edi sa pizza with ice cream!" tatawa-tawang sabi ko kay Regina.

"Oo nga, Reg. Ang usapan ay usapan. Ililibre mo kami ngayon. Di pa naman ako kumain ng almusal tamang tama." sambit ni Boy Bato habang hinihimas ang kanyang tyan.

Napasibangot naman si Regina. Wala talagang sayang na oras kapag kasama ko ang dalawang 'to. Nagpaunahan kaming pumunta ng classroom para sa unang subject namin sa araw na iyon.

11:15am.

Aaaaaaaahhhhhhh! Nabulahaw ang buong cafeteria dahil sa sigaw ni Regina. Maluha-luha at manghang mangha ang itsura nito habang nakatitig sa cellphone nito.

"Hoy Regina alam naming wala kang hiya pero magtira ka naman kahit konti para sa sarili mo!" saway ko kay Regina na ikinasamid ni Robert.

"Sira! Giiiiirrl mapapahiyaw ka rin pag nalaman mo ang nalaman ko!" sambit ni Regina habang kinikilig kilig pa.

"Girl. SB19 lang ang makakapagpahiyaw sa akin." sagot ko sa kanya.

"Exactly!" sagot nito habang nagniningning ang mga mata.

"Nasaaaaaan patingin!" takbong sambit ko kay Regina. Kakamu-kamot naman sa ulo si Robert.

"Yan na naman yung mga kpopers nyo." pambubully ni Robert. Alam nito kung gaano sila kabaliw sa SB19, ang nangungunang PPOP Boy group ng bansa. Dyusku sino ba naman ang hindi mababaliw sa 5 vocals, 5 rappers, at 5 dancers na iyon. My golly!

"Hindi sila KPOP! PPOP sila, PPOP!" sabay naming sambit ni Regina habang tinitingnan ng masama si Roberto.

"Oo na! PPOP na tunog KPOP!" sambit ulit nito. Binato ko ng takip ng ice cream si Robert para matigil sa pangookray. Ito ang no. 1 basher namin at ng SB19. Palagi 'tong may komento kapag nakikita nya kaming kinikilig sa esbi.

"Eto oh." sabay turo ni Regina sa isang facebook post ng Eventbrite  at SB19 Official FB Account. 

[SB19: GET IN THE ZONE NATIONWIDE CONCERT HOW TO REGISTER (EVENTBRITE)]Few more hours before the MANILA CONCERT ticket registration! Here are the steps on how to register and catch a ticket on the first ever free concert of SB19!


Oh my god! GITZ Manila Concert na! Dali-dali naming sinunod ang guidelines ng registration. Pangarap namin ni Regina na mapanood ng personal at makadaupang-palad ang SB19 lalo na ang aming mga bias. Isa akong sisiw, at isa naman siyang mais. Only A'TIN would understand, hahaha.

"Baby Jah! Here I come!" sigaw ni Regina habang yakap-yakap ang kanyang phone at nangangarap ng gising.

Ako man ay nangangarap din ng gising. Iniimagine ko kung ano kaya ang mangyayari kapag nakita ko sa personal si Ken. Hay Felip John Suson. Anong ginawa mo sakin!

Pagkauwi ko sa aming bahay, muli kong itinuloy ang pananaginip. Kung paano at ano ang sasabihin ko kung sakaling makalapit ako kay Ken, ang aking pyutyur husband, habang pinipisil-pisil ko ang rubber chicken toy na favorite din niya.

Yes po, opo. Delulu na nga po ako. Mga kapatid.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary of a Stalker Fan (STAN)Where stories live. Discover now