Prologue

17 2 1
                                    


Dahan-dahan, paunti-unti, tinatahak ko ang landas papunta sa kanya. Ninanamnam ang bawat sandali na nakatingin sa akin ang mga tao sa loob ng simbahan.

Nakita ko siyang naghihintay sa harap ng altar. Nakangiti. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang sa hinaba-haba ng kwento namin, dito kami magtatapos. Ito na ata ang pinakamagandang tapos na maaaring makamit ng sinumang babae sa mundo.

Ako ang nagwagi (Ako ang Nagwagi by Dulce played in my head). Sa lahat ng babaeng nagkandarapa sa kanya, ako ang nagwagi. Paano nga ba. Paano ko nga ba sya nakuha?

Dumako ang paningin ko sa babaeng nasa aking kaliwa. Nakikisabay ito sa aking paglalakad. Kumunot ang aking noo. Tiningnan ko sya ng masama.

Bakit ba may umeepal sa kasal ko? Sino naman 'to?

Tumigil ako sa bandang gitna ng landas papunta sa altar upang titigan ng masama ang babae. Tiningnan nya ako. Regina? Huh? Bakit ito ginagawa ng bestfriend ko?

Kumuha ako ng bulaklak sa bridal bouquet na hawak ko. Pinira-piraso ko ang magandang bulaklak at ibinato kay Regina. Napangiwi ito sa aking ginawa. Tumawa ako ng malakas.

Tiningnan kong muli ang aking mapapangasawa. Nakakunot ang noo nito. Dahan-dahan itong yumukod at inabot ang kanyang sapatos. Pagkahubad nito ay ibinato niya iyon sa akin.

Huh? Bakit ako binabato ng magiging asawa ko? Bakit naging batuhan ang kasalan?

Hinubad ko rin ang aking sapatos na may takong. Hindi maaaring hindi ako makaganti! Lintik lang ang walang ganti! Tumawa ako ng malakas at buong pagmamalaki ng tumama iyon sa mukha ng aking pyutyur mister.

 At nagsimula na ring magbatuhan ng sapatos ang mga taong nasa loob ng simbahan. Biglang parang may malamig na likido na dumaloy sa aking mukha.

"Hoy Maxine Andrea Rosales kanina ka pa tinatawag ni Sir Mark!" sambit ni Regina sa akin habang tuwang-tuwang binubuhos sa aking mukha ang tubig mula sa water tumbler nya.

"Ay potek ka naman Regina Cay kita mong ang ganda ganda na ng panaginip ko!" sigaw ko kay Regina. Huli na ng mapansin kong nakatingin na sa akin ang buong klase, kasama na rin ang aming Analytic Geometry Professor.

"Ms. Rosales please come to my faculty office after this class." seryosong sambit ni Sir Mark sa akin. Hayup na tapsilugan naman oh. Kung di ka naman minamalas. Hinawi ko ang tubig na lumalandas sa aking mukha. Tiningnan ko ng masama si Regina. Ito yung babaeng nakikipag-unahan sa akin sa kasal namin ni Ken! Lintik lang ang walang ganti!

Bago ako tumayo papunta sa faculty office ay pasimpleng kinonyotan ko sa ulo si Regina. Tiningnan nya ako ng masama. Success!

Patakbo akong pumunta ng faculty room upang di ako mahabol ni Regina, ang babaeng puro pata.

Diary of a Stalker Fan (STAN)Where stories live. Discover now