1st and Last Part

0 0 0
                                    

🐦:akanebinibining
Tiktok:binibiningakane

(short story only)








I have an online boyfriend named Zeus Achilles. Sa roleplay world lang kami nagkakilala pero dinala namin sa real world kasi totoo na yung pagmamahal namin sa isa't isa. We've been together for 8 months. Masasabi kong sweet at maalaga s'yang tao, lalo na no'ng nanliligaw pa lang siya sa 'kin. Pero nagbago 'yon no'ng makuha niya ang matamis kong oo after 4 months.

Linggo-linggo na lang kami nag-aaway na napupunta sa hiwalayan.

Pero kalaunan ay magbabalikan din.

Dahil marupok ako. Oo, marupok akong tao. Isang sorry niya lang, okay na agad. Wala e, mahal na mahal ko yung tao kahit gano'n siya kagago.

Kasulukuyan akong nag-e-scroll dahil hindi naman online si Zeus, wala akong makausap kaya tamang scroll up na lang. React dito, react doon. Nang bigla kong maisipan na i-stalk yung real account ng jowa ko gamit ang roleplay account ko.

Hindi naman siya yung lalaking pala-share ng mga post. But I was surprised, he shared a post lately saying, “Comment mo name mo tapos replyan ko kung tropa, crush, o jojowain.”

And I was like, really? He shared a post?

I checked the comments. Napukaw ng atensyon ko yung isang babaeng nagcomment.

A girl named Hannah commented, “Hannah the cute.”

Zeus replied, “Jojowain.”

My heart tightened. Sino ba namang girlfriend ang hindi masasaktan?

Hannah replied, “Malamang crush mo 'ko e.”

Zeus replied again, “Wow confident.”

Aray.

Aray.

Aray.

Dahan-dahan tumulo ang mga luha ko sa pisnge ko pababa sa leeg ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

I thought he's loyal? I thought he's faithful? Oh, my thought was fake.

And I remembered, ginawa niya na pala sa 'kin 'to dati. Hindi na 'ko nasanay, gaga ba ako? Dapat masanay na ako kasi gago jowa ko.

Pero may side pa rin ako na umaasang magbabago siya kaya ko siya binibigyan ng pagkakataon.

Stupid me, ilang beses niya na ba 'tong nagawa sa 'kin? Dalawa? Tatlo?

Pero masakit pa rin pala, akala ko sanay na ako hindi pa rin pala.

I stopped stalking him, nanood na lang ako ng mga video na makakapagpatawa sa 'kin para matabunan 'tong sakit na nararamdaman ko.

Hanggang sa may nakita akong video. Sabi sa video na 'yon, “Paulit-ulit kang nasasaktan kasi paulit-ulit kang bumabalik.”

Aray again. Natamaan ako.

I stopped watching, masyadong mapanakit. I checked if my boyfriend is already online and yes, he is.

Zeus: “Hi, babe.”

Bigla akong nalungkot. Dati, tadtad pa ako ng chats galing sa kanya. Ngayon iisa na lang tapos maikli pa, wow hahaha.

Aryx: “Sanaol comment mo name mo tapos reply ko kung tropa, crush, o jojowain. Sanaol jojowain si Hannah. Dinudurog mo na naman ako haha.”

Hindi naman ako gano'n ka-martyr para hayaan na lang si Zeus.

Zeus: “Huh? Pinagsasabi mo, babe?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ADVANTAGE OF BEING MARUPOK(short story) Where stories live. Discover now