"I nominate Kiara Velasco as Class monitor ma'am," nakataas na sabi n'ya kay angel. Sinenyasan ako ni Sydney na pumunta sa harapan at nagsalita sa hangin ng 'you can do it' na may thumbs up sign pa.

Apat lang kaming na nominate kaya mas madaling matatapos ang speech's namin. "Okay, oral speech kung ano ang magagawa n'yo bilang isang responsableng class monitor," para kaming grade 5, i hate this.

Nauna naman ang dalawa saamin, they're also good, mukha ngang matatalo ako dito pero duh class monitor lang naman 'to. 'di naman pagiging presidente ng pilipinas ang pinaglalabanan namin.

Pagkatapos ay si angel naman ang tinawag, nginisian n'ya pa ako ng nakakabwisit bago pumunta sa harapan.

Maayos at detailed rin naman ang sagot n'ya, hinighlight n'ya yung mga experiences n'ya as former class monitor, tsk. Pa goodshot talaga. Pero papatalo ba ako? Of course not. Inayos ko rin ang sagot ko at tingin ko mas maganda 'yon kay angel dahil mas malakas ang palakpakan nila, todo sigaw din kasi si Sydney, Elijah, at Riguel. Si yuan naman hindi pa bumabalik.

"Pass forward your votes," sabi ni Ms. Dela Cruz, nang makolekta na lahat, nag tally ang isang student don sa board, nung una ay lamang si angel pero maya maya ay ako naman ang nakalamang sakanya. Yung dalawa namang kasali pa ay mataas din ang vote pero mas nakaangat ang boto saamin ni angel.

Nang matapos na ang tally, nag tie ang votes namin ni angel! This can't be! "May iba pabang boboto?" Dagdag ni Ms. Dela Cruz na saktong pagpasok ni Yuan.

"Ma'am si Yuan po hindi pa," malanding sabi ni angel. Tumango naman si Ms. Dela Cruz sakanya at Tumingin silang lahat kay yuan, bumaling naman ito sa board na animo'y inuusisa pa kung anong nangyayari. Tumingin s'ya samin ni angel bago magsalita. Don't tell me si angel i vo-vote n'ya?!

"I'll choose angel," Walang pag aabalang sabi nito bago bumalik sa upuan n'ya. "Okay then, the new class monitor of this S.Y is Ms. Angel Sy, excuse us, we'll just talk," sabi ni ma'am bago tumango at pumunta sa table n'ya kasama si Angel.

Bumalik nalang din ako sa tabi ni Sydney na naka nguso at tinapik-tapik ni Sydney ang likod ko. "That's okay kia, class monitor lang naman," yeah, she's right. But i can't accept the fact na parang may tiwala pa si Yuan kay Angel kesa saakin. Chineer-up rin ako ni Elijah at Riguel.

"Okay lang 'yan boss, gusto mo ba ilibre kita mamaya?" Riguel said while consoling me. "Okay lang ako ano ba kayo," i gave them a fake smile.

Nalutang ako buong afternoon class dahil sa nangyari, Andami lang napasok sa isipan ko. Mas maganda ba si Angel? Mas matalino? Mas responsable? Magkakilala ba sila? Argh!

Parang wala lang sakanya yung pinagsamahan naming dalawa since elementary ah. Admirer n'ya ako for so many years then ganon ganon lang magtitiwala s'ya sa iba kesa sakin? Ang oa ko mag isip pero duh nakakasama lang ng loob.

"Ms. Velasco are you still with us?" Nagulantang ako nang marinig ko ang apelyido ko galing sa math teacher namin. "Y-yes sir, i'm sorry," tumango nalang ito at bumalik sa pagtuturo. Good thing 'di ako pinagalitan.

"Okay kalang ba?" Nag aalalang sabi ni Riguel na kinalabit ako mula sa likod ko. Tumango nalang ako. Ewan ko ba parang ang sakit ng ulo ko kakaisip.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin, dumiretso ako sa locker ko at naglagay sandali ng gamit bago bumalik sa classroom. Ayoko kasi ng madaming bitbit, pagka pasok ko ng room, andon parin silang lahat na nag aayos ng gamit.

"Kia, san ka galing? Let's go," aya n'ya sakin. Nakita kong kinausap ni angel si yuan kaya hindi nakasunod agad.

"Bes ba't ang init mo?" Tanong n'ya habang hinihipo ang leeg ko. "Masakit lang ang ulo ko, ang init rin kaya!" I laughed. Hindi nalang ako nagsabi para hindi sila mag abala pa.

Nung nakuha na namin ang mga bike namin sa bike rack, sabay sabay kaming umuwi. "Si yuan? Asaan?" Sabi ni Elijah. "Sinamahan ata si Angel, diba may pinag usapan sila kanina sa canteen," pagpapa alala ni Riguel.

Elijah just nodded, napairap nalang ako. Si Sydney naman ay busy sa paghahanap ng pogi sa daan habang dinadaldal ako, hubby n'ya daw 'yon eh, tsk.

"Sige dito na ako," pagpapaalam ko sakanila dahil mag iiba-iba kami ng daan, "Ingat, boss," pangunguna ni Riguel. Nginitian ko nalang s'ya. "Sige bes, ingat ka ah!" Sigaw ni Sydney. "Sige bes, ingat ka ah!" Elijah mocked him while laughing.

Nung nakauwi na ako, dumiretso nalang ako sa kama pagka palit ko ng damit. so worn out. Ewan ko ba parang may kakaiba akong nararamdaman. Nakaidlip nalang ako dahil sa pagod.

Pagkagising ko, tinignan ko ang cellphone ko at nakitang gabi na pala, "Ah!" Ingit ko dahil sa sakit ng katawan ko. Ang init rin ng pakiramdam ko. Umupo lang ako saglit dahil parang nahihilo ako. Nang mawala wala na ay  dumiretso ako sa kusin para uminom ng gamot.

Bumuti naman ng onti ang pakiramdam ko pagkatapos ng ilang oras. Napagdesisyunan ko munang kumain pero nung aktong magluluto na ako ay parang nag crave ako sa ramen.

Nagsuot ako ng hoodie at lumabas ng condo. Nagulat ako nang lumabas din si Yuan sa unit n'ya na naka black oversized shirt at naka gray shorts. He still smells good. Ano kayang pabango n'ya?

Umirap nalang ako at dumiretso sa paglalakad sa hallway. Alam kong nakita n'ya 'yon but idc. Sumakay nalang ako sa elevator dahil mukha namang maghahagdan s'ya. Lagi naman eh.

Pagkasakay ko pinindot ko ang button sa ground floor at aktong magsasara na ito nang biglang napigilan ito ni Yuan. Ang awkward tuloy.

"What's you problem?" pagbabasag n'ya sa katahimikan. "Wala," maikling sabi ko. Mang magbukas na ang elevator sumabay s'ya sakin sa paglabas.

"Where are you going?" He added. "I'll just buy something," sagot ko, alangan namang 'di ko s'ya sagutin. Edi mahalata naman akong nagtatampo, chur.

"Why?" Nakataas na kilay na sabi ko. Umiling nalang s'ya.

Nakahakbang na ako ng ilang segundo nang bigla n'yang hinatak ang kamay ko. "Samahan mo'ko saglit sa bookstore," i just nodded and giggled. Namula naman ako ng onti nang hatakin n'ya ako patungo roon.

Pagkapasok namin nginuso n'ya ang isang book section na alam n'yang paborito kong basahin. Pumunta nalang ako roon at nag osyoso. Nagbasa narin. Mabilis lang s'yang pumili at binigay saakin ang libro.

"What?" Nakataas na kilay na tingin ko sakanya. "Pumila kana, may nakalimutan lang ako," tumango nalang ako at pumila na sa counter.

"Miss punch ko na po?" Sabi nung babae sa cashier. "Wait lang po," she just gave me a thumbs up. Ilang minuto rin akong naghintay roon, dinaldal rin ako nung babae kaya hindi boring.

"Hm," Pagsinghal ni Yuan na parang pinapa dama n'ya ang presensya n'ya.

"Anong book 'yan?" Sabi ko habang sinisilip ang ang title. "A book about you," he said without any reactions.

My face turned red when i reminisce what he just said, it just suddenly faded and it was replaced by my narrowed and irritable eyes when he turned the book.

' Abnormal Psychology. '

———
:)

When The Tables TurnМесто, где живут истории. Откройте их для себя