Prologue

33 7 4
                                    

DISCLAIMER : this is a work of fiction. names, characters, businesses, place, events, locales and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

all rights reserved. no part of this book may be reproduced in any form or by any electronic mechanical means including information in writing form the information storage and retrieval systems and take this work and pass them as your own without prior permission from the author.

warning : typo's and grammatical errors ahead

***

Muntik na akong mapabalikwas sa swivel chair ko nang biglang nag ring ang phone ko at mabilis na sinagot ang tawag na mula kay bea.

"Importante ba 'to beatrice, kase busy a-" naputol ang sinabi ko nang narinig kong sumigaw si bea mula sa kabilang linya.

[Kiara, si tito nasa hospital!] Kinabahang sabi ni bea na literal na ikinatigil ko, agad kong tinawagan ang si Riguel para sunduin agad ako sa kumpanyang pinagta-trabahuhan ko. "Rigs! Sunduin mo ako ngayon na mismo si papa nasa hospital!"

Pinatay agad n'ya ang linya at ako naman ay tinawagan si bea na halatang kabado parin. Maya-maya ay pumasok na si Riguel na pawis na pawis at nagmamadaling tinawag ako na halos 'di na nakapasok ng opisina ko.

"Let's go," aya nito saakin bago kami pumunta sa Parking at nagmadaling umalis.
"Bakit daw dinala si tito sa ospital?" Sambit n'ya habang pinapahahurot ang sasakyan.

"Nahulog daw sa hagdan dahil may inayos," Tumango nalang s'ya mas binilisan ang takbo ng kotse. Good thing wala masyadong traffic ngayon at kung meron man, naabutan lang ng red ng stoplight.

Maya-maya ay nakarating na kami sa hospital at dali-dali akong bumaba. "You should go first. mag pa-park lang ako," Tumango nalang din ako at tumakbo papuntang e.r, sinalubong agad ako ni bea na may hawak na papel at si mama naman ay paikot-ikot sa upuan sa labas ng e.r, "Anong nangyari?" Nag aalalang sabi ko.

"Nahulog daw kasi si tito kanina sa hagdan, eh ang lakas daw ng impact. Buti nalang daw eh nadala agad sa ospital." Napabuntong hininga nalang ako lumapit kay mama tinapik-tinapik-tapik ang balikat nito dahil mukha talaga s'yang kinakabahan.

"Ma, okay lang po ba kayo?" Nginitian n'ya lang ako pero halata parin sa mga mata ni mama na kabado s'ya. "Oo, anak. Ikaw kamusta ka? Ayos ba kalang ba sa trabaho mo?" Tumango ako at niyakap si mama, "Yes ma, i'm doing well,"

Naghintay pa kami ng halos kalahating oras bago lumabas ang isang nurse sa e.r na may dalang papel. "Family of the patient?" Lumilingon lingon na tingin nito.

"Ay, ma'am, Kamusta ang kundisyon ng asawa ko?" Agad na tumayo si mama at inapproach yung nurse. "Stable naman po ang pasyente, may nabali ho dito sa part na 'to ng paa n'ya na kailangan maoperahan immediately," At agad na ipinakita ang x-ray's at mga papel na hawak ng nurse.

Sumingit naman ako sa usapan nila at nagtanong ng kung ano sa kalagayan ni papa. Pagkatapos non ay binisita namin si papa sa loob ng e.r na mahimbing na natutulog. "Kiara pano 'yan wala daw ortho-surgeon na available ngayon," nag aalalang tanong ni bea na nakahawak sa braso ko.

"Mag iisip ako ng paraan, baka i-transfer natin ng ospital si papa," Tumango nalang s'ya at may tinignan sa phone n'ya.

Biglang pumasok si Riguel na medyo pawis at iba na ang damit, naka black t-shirt nalang s'ya ngayon. "Sorry, may nagpatulong kase kanina sa may parking area, natagalan ako," Tumango nalang kami at nag usap kung san hahagilapin ang ortho-surgeon.

"Magtatanong tanong ako kung available ba yung orthopaedic ngayon dito," pag pi-prisenta ni Riguel.

"Sasama ako," Tumango nalang s'ya at sabay kaming pumunta sa help desk ng ospital.

"Balita ko dito daw nag ta-trabaho si yuan ah," nakangising sabi ni Riguel habang ani mo'y may hinahanap.

Agad akong natigil at parang nag echo sa buong utak ko ang sinabi ni Riguel, 'Yuan.' pero imposible. Nasa US si yuan. Hindi n'ya magagawang mag trabaho lang sa mga ospital na ganto. Iniwan n'ya ako para don, Sa pangarap n'ya. Para ipagpatuloy ang sinimulan ng papa n'ya.

Halo-halong emosyon ang bumangabag saakin habang parang hibang na naglalakad.
Ang daming tanong. Sobra.

"Kia, Huy!" Nagising ako sa katotohanan nang biglang inalog ni Riguel ang dalawang balikat ko. "Ah, oo asan? Anong nangyari?" Natawa si Riguel sa sinabi ko kaya inirapan ko nalang s'ya sabay hinampas sa braso.

"Anong 'anong nangyari'? Nalulutang ka talaga kapag si yuan na yung pinag uusapan 'no?" Kinausap n'ya pa yung nurse habang may sinusulat sa form. Yung nurse naman sa information desk ang harot, maypa retouch pa sa likod nung na-busy sa pagsusulat si Riguel. Well sorry sa'kin 'yan nanliligaw.

May sinasabi s'ya sa'kin habang naglalakad kami doon sa orthopaedic pero hindi ko makuhang makinig dahil sa sinabi n'yang dito nag ta-trabaho si yuan. "Riguel pwede bang mauna kana don? Bibili lang ako ng inumin," tumango nalang s'ya.

"Hintayin nalang kita don ah, baka hinihintay nadin tayo nila tita bumalik narin tayo pagkatapos non," Palakad na ako ng biglang nagsalita uli s'ya. "Samahan na kaya kita?"

"Hindi na ako nalang," tumango uli s'ya at naglakad na papalayo. Pagkatapos ko bumili sa isang mart ng mga bottled water, bumalik na ako sa ospital. Dinamihan ko narin ang binili ko para hindi pabalik-balik, baka uhaw na din sila bea at mama.

Naglalakad na ako papunta sa orthopaedic nang napansin na parang kulang ang bottled water na binili ko, naghalungkat ako sa plastik nang biglang may nasanggi ako habang naglalakad.

Nag slow-mo ang paligid ko at sumobra ang tibok ng dib-dib ko nang nilingon kung sino ang nabangga ko. Para akong bumalik sa umpisa. Bumalik lahat ng mga alala-ala. Bagay sakanya yung white sleeve na suot n'ya na pinatungan ng white doctor's coat. Pansin korin yung tag n'ya sa may coat na mag nakaukit na ' Dr. Sanchez. '

"I'm sorry, miss." He formally said. Nagulat din s'ya nung nagka salubong na ang mga mata namin na animo'y mali ang pagkakasabi n'ya ng 'miss.'

Parang may tumusok sa lalamunan naming dalawa nung mga sandaling 'yon habang nakatayo sa crowded na bahagi ng ospital at walang lumalabas na maski isang imik mula sa bibig naming dalawa.

It's been a long time, Yuan Sanchez.

When The Tables TurnWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu