02

13 3 4
                                    

Namula ako dahil sa sinabi ni yuan, parang naririnig na ata n'ya yung kabog ng dibdib ko sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Halata na sakanya na hindi s'ya mapakali kaya naman umalis na ako sa pagkaka hawak ng bewang n'ya mula saakin. Inalalayan n'ya ako sa railings ng hagdan pababa.

"Be careful next time," he coldly said. Tumango nalang ako na hindi s'ya matitigan ng maayos sa sobrang pagka-kilig. "U-hm, yah. I will,"

Tumalikod na s'ya sakin at nagsimulang maglakad palayo, pakurap-kurap naman akong naiwan roon na na-estatwa sa kinatatayuan ko.

"Kiara. Don't mind that. That's just nonsense," dagdag ni yuan sa hindi kalayuan na nakatalikod parin na tuluyan nang nawala sa paningin ko.

Umakyat muli ako sa rooftop para kunin ang mga naiwan naming libro doon. Baka bukas ko nalang ibigay sakanya dahil magkaklase naman kame 'no.

Hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Though that's just a moment, Why would he say that for no reason? Pero sabagay baka mema lang. Papasakitin ko lang ang ulo ko sa pag-iisip e ni hindi nga ako minsan pinapansin non.

Nang matapos na akong kumain, nag scroll scroll muna ako sa fb account ko at nag search ng 'how will your crush love you back.' para akong tanga na nagbabasa ng mga thoughts about don, nakakatawa pero nagka idea rin kahit papaano.

"Okay kiara, step one? I-chat ang crush mo? Pagtuturo ko sa sarili ko habang binabasa 'yon. Hinanap ko ang profile ni yuan sa Facebook at chinat 'yon. Of course friend ko s'ya sa fb! I have known him for a long time kaya.

Kiara Velasco: goodevening, yuan!

Ilang minuto s'ya bago mag seen, hindi s'ya ganon ka active sa social media pero nag o-on naman s'ya minsan, kapag daw may time.

Yuan Sanchez: ???

Kiara Velasco: kumain kana ba? gusto mo dalhan kita ng dinner?

As usual, matagal ulit mag seen, ano s'ya may ritwal bago mag seen? I just giggle while excited waiting to his reply.

Yuan Sanchez: No need.

Argh! May galit ba 'to sakin? Bakit ba ang cold masyado? Gusto mo bang plantsahin kita ha? ha? ha? Nakaisip naman ako ng paraan para mapahaba pa ang convo namin.

Kiara Velasco: may pick-up line ako yuan! sun kaba?

Alam kong corny 'to pero gusto ko kasing hindi amagin yung convo namin ng crush ko, atsaka sabi kaya sa mga tip mag pick-up line daw!

Yuan Sanchez: No. Just save that for our tests. Damn, you need jesus.

Naningkit ang mata ko at hindi nalang nag reply, nakakabwiset! Pasalamat ka crush kita ah, chur.

Nag review nalang ako ng onti at nag paint rin dahil nga art-major ako, pagkatapos non ay nag half bath tsaka natulog na.

Maaga akong nagising ngayon dahil ma trauma na ako sa nangyari nung nakaraang araw, at para narin maunahan si yuan sa carpark. I've prepared a simple bread for him na nilagay ko sa paper bag. Well sana magustuhan n'ya.

Pagkatapos ko maligo, kumain ako saglit at nag ayos. Infairness sa skirt uniform ah, ang ikli. Medyo fit s'ya sa katawan ko kaya kitang-kita ang body shape ko. Nag ponytail nalang ako at nag apply ng onting make-up para naman hindi masyadong pale.

Nung nakuntento na ako sa ayos ko, bumaba na ako sa carpark dala ang mga gamit ko. Naghintay pa ako ng mga ilang minuto nang dumating si yuan. Ang bango shit. Parang kada araw na lumilipas mas minamahal ko pa s'ya. chur.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When The Tables TurnWhere stories live. Discover now