"Nah, okay na ako, i don't need positions, dagdag stress lang." Nakahalumbabang sabi ko. "Ayaw mo non? Mapipigilan mo si yuan kapag pinapag dala s'ya ng papeles sa office? Nakakapagod kaya 'yon!" Pangungumbinsi sakin ni Sydney.
Nagka ideya ako sa sinabi n'ya, bakit nga ba hindi? Wala namang mawawala diba? Atsaka isa pa, mas madami akong makaka close sa room.
Dumating na si yuan maya-maya na pawis at dumiretso sa upuan n'ya. Kinuha n'ya yung sandwich na ginawa ko at kinain n'ya. Parang nag ningning yung mata ko nung nakita ko 'yon. Alam kong kita n'ya sa peripheral vision n'ya na nakatingin ako kaya nag uubo-ubo s'ya kunwari.
Pagkatapos nag announce ni ma'am ay bumalik na kami lahat sa klase, as they've said yesterday may quiz nga. Buti nalang talaga nakapag review pa ako nung gabi. Kulang kase yung review namin don sa rooftop eh. chur.
Pagkatapos ng morning class namin, nag aya sila na mag lunch sa canteen, sumama ulit si yuan samin. Kumuha kami ng kanya-kanyang tray at umupo sa long table roon.
"Tabi tayo Kia," sabi ni Sydney habang lumilingon-lingon. Nag usap-usap kami at nagtatawanan parin gaya ng ginagawa namin. Pero napapansin ko din yung pagka carefree ni yuan. Maybe he's comfortable with us? Hope so.
"Oh," sabi ni Riguel na ibinigay sakin ang chicken n'ya. "I'm on diet, sa'yo nalang," napatingin silang tatlo samin. Si Elijah at paubo-ubo at si yuan naman ay walang emosyong bumalik sa pagkain. Tinapik-tapik naman ni Sydney ang balikat ko na natatawa.
"Thanks," tumangong sabi ko. "No need to say that, your now my master," he smirked. What?! Master? Pano 'yon? I mean.. argh. naguguluhan ako. But that's not bad. He's a good person tho.
Ginulo naman ni Riguel ang buhok ko at Naningkit ang mata kong inayos 'yon,
"Corny.. nyenye" bulong ni yuan na umiiling-iling, narinig ko 'yon dahil magkatapat kami. My lips rosed up when i heard that but didn't even care to response. Nagseselos ba s'ya? Weird ah. Para s'yang baby, ang cute!
"Ahm, yuan?" Napa angat ang tingin naming lahat sa lumapit na babae. Tsk, si angel. Nginitian n'ya kaming lahat ng pa-inosente. Mukha nga s'yang anghel but i'm not that convinced with her aura. Parang iba eh.
"Can we eat together?" Dagdag pa n'ya sabay upo sa katabi ni yuan. I just rolled my eyes. 'Eat together'? May kasama na nga s'yang kumakain eh, bulag kaba? Nagtapos nalang kaming apat sa pagkain at nang patayo na kami at pinigilan ni angel si yuan.
"Yuan can you come with me in the libray after class?" Yuan just nodded. Nainis ako kaya nauna na akong pumunta sa room after kong ilapag ang tray ko sa drop-an. Sumunod narin naman silang tatlo habang naiwan si angel at yuan pagkatapos non na nag uusap.
Pagkadating namin sa room, si Ms. Dela Cruz ang nadatnan namin at hindi ang noon teacher namin kaya medyo nagtaka kami.
"Si yuan," bulong sakin ni Sydney. Hindi ko nalang s'ya nilingon. Nabibwiset parin ako kanina, bakit ganon si angel? Pa goodshot, wala namang manners.
Napansin ko namang tinitigan ako ni yuan kaya kunwari nag cellphone nalang ako at hindi s'ya pinansin.
"Baliktad," natatawang wika nito mula sa katabi naming row. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong yung cellphone ko pala 'yon! Inirapan ko nalang s'ya at umub-ob.
Maya maya ay nagsimula nang magsalita si ma'am dahil kumpleto na kami.
"The nomination for our school year's new class monitor is now open," pagpapatuloy n'ya.
Nakita kong lumabas si yuan. Wala akong ideya kung saan s'ya pupunta at hindi narin ako nagtanong. As if naman sasabihin n'ya.
"Ma'am! i nominate Angel Sy po," sabi nung katabi n'ya, confident s'yang naglakad sa unahan at inirapan pa kami ni Sydney. Nakita kong namula si Sydney sa inis kaya tumayo s'ya at nag nominate rin.
BINABASA MO ANG
When The Tables Turn
RomanceThe girl that used to be ignored by Yuan Sanchez, She's his childhood friend and almost became block mate's. He found out late that he already liked kiara. His father taught yuan that he must continue his work so because of that he chose whether it...
