Chapter 58 (mess we've made)

Start from the beginning
                                    

"Madami na kasing nagbago. Kahit sabihin natin na andiyan pa yung nararamdaman natin para sa isa't isa, hindi  pwede walang nagbago sating dalawa." explain ko sakanya then bumitaw ako sa pagkakahawak ng kamay niya.

"Hindi na ba talaga pwede?" He asked while looking at me in the eyes. I can see the sincerity in every words that he said pero bakit ganun? Why do I feel like there's a barrier between us?

Ang tagal ko hinintay itong moment nato. Yung uuwi siya, yung magkakasama kami, yung magkakapagusap kami pero bakit ganito? Bakit parang nalalabuan ako?

"Justin, bakit ka ba umuwi? Bakit mo sinasabi sakin yan? Why are you doing this to me?" Gusto kong umiyak pero pinilit kong hindi umiyak. Ayoko na umiyak, nakakapagod na. Pagod na pagod na ako kakahintay at kakaiyak. Ngayong nandito na siya hindi na ako iiyak.

"Di mo pa ba alam? Hindi pa ba sinabi nila Flip  sayo?" He asked. Huh? Anong hindi sinasabi? May hindi sakin sinasabi sila Flip at Kriston? Naguguluhan ako.

I shooked my head. "Anong hindi sinabi? Do I miss something here?" 

"Umalis ako dahil sayo. Ngayon, umuwi ako dahil sayo."  Explain niya. Bakit siya umalis sakin? Hindi ko maintindihan. Bakit parang lalong naging malabo?

Hindi ako sumagot. Nagulat ako ng niyakap ako ni Justin.

"I have waited long enough just for this moment to hug you. I have suffered for how many years, eating my heart out just to prove to the world how much I love you."

Hindi ko man gaanong maintindihan yung ibig sabihin niya pero nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

Pero hindi din ganun kadali yun.

Noong graduation namin nung highschool. Bigla nalang siya magpapaalam na aalis siya. Ano nalang ba ang dapat ko maramdaman nun? Para akong iniwan sa ere. 

Four years..

Four years akong naghintay, hoping that he will come back. Pero walang assurance na babalik siya. 

Four years, hindi biro ang umiyak ng umiyak. Tiniis kong umiyak magisa at walang malapitan. Hindi ko malapitan si Ross nung mga panahon na yun dahil ramdam kong nagsasawa na siya sa kakaiyak ko. Tiniis kong yakapin yung unan kapag wala siya.

Hindi ko nga akalain na aabot ako sa ganun eh. Mahal na mahal ko si Justin eh? Apat na taon? Hindi biro ang apat na taon.

Sa apat na taon na yon.. Hindi ko na bilang kung ilang beses ako na-admit sa hospital. Sa sobrang depress ko, hindi na kinaya ng puso ko.

"Zenia, can we get things back?" he asked. Magka-hug padin kami, walang bumibitaw.

"Hindi ganun kadali ibalik yun Justin. Madami nang nagbago, madami nang nasayang. Hindi biro yung pagiwan mo sakin basta-basta. Hindi madaling kalimutan yung pagiyak ko tuwing namimiss kita. Oo, totoo. Namiss kita ng sobra. Pero nasaktan din ako ng sobra.." 

Naramdaman kong humigpit lalo yung pagyakap niya sakin.

Nararamdaman ko din yung patak ng luha niya sa damit ko. Umiiyak si Justin, hindi ko mapigilang umiyak din.

"Natatakot akong i-try ulit. Nung nawala ka, para akong tinalikuran ng mundo. Wala akong masandalan. Feel ko, walang makakaintindi sakin kundi sarili ko lang. I was so lost in the track." Patuloy ko padin sa pag explain sakanya.

"Promise, Zenia. Hindi ka na magiisa.. hindi na kita hahayaang magisa." Sagot niya. Nararamdaman ko yung pagkahigpit ng yakap niya sakin.

"Yan nanaman tayo sa promise Justin eh."

Naramdaman ko nanaman yung paghikbi niya. Para siyang babaeng umiiyak. Parang ako lang noon. Noong iniwan niya ako.

"May reason naman kung bakit ako umalis Zenia eh."

"Ayoko na marinig kung ano man yung reason na yon. Ayoko na madagdagan yung pain."

Wala na siguro akong pakielam kung ano man yung reason ng pagalis niya before.

Nanyari na eh.

Bumitiw siya sa pagkakayakap.

"Zenia, I love you so much." He said the he kissed me on the forehead.

Matagal bago niya tinanggal yung pagka-kiss niya sa noo ko.

"I hope you can give me a chance to explain why I left. I hope you can give this relationship a chance again."

Tinititigan ko lang siya. Teary eyed padin siya at namumula ang matangos niyang ilong.

[A/N: Here's the next chapter! Sorry kung ngayon ko lang natapos ito. Happy Holiday to you guys! SA FTW! Thanks for those who patiently waited for this update. Happy New Year! Any New year resolutions? Ayun, thanks again! God bless!

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Where stories live. Discover now