Chapter 58 (mess we've made)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala din naman kasing masama kung aaminin mong miss na miss mo na ako!" Sigaw ko sakanya. I'm just joking pero kung seseryosohin niya? Much better. ^__^

"Wooo! Baka ako namimiss mo? Ay mali, may Keeyan ka na pala." Awww. Bigla ko naman naalala si Keeyan. Bakit naman kaya niya biglang napasok si Keeyan?

"Keeyan ka dyan! Wag mo nga ko inaasar sa bestfriend ko!"

"Di nga? Yung totoo? Bestfriend lang ba kayo nun?" tanong niya habang nakatingin sakin. Why so curious?

"Oo no! Ano ba namang tanong yan! Baka nga ikaw diyan ang may girlfriend eh!" sigaw ko sakanya tapos tumawa siya ng mahina.

"Ako pa ah. haha!"

We finish eating na then naglakad na kami papunta sa may main sala nila. Ang dami kasing sala dito sa bahay nila Justin eh!

"Mauna ka na sa may sala. May kukunin lang ako sa kwarto." paalam niya sakin. I just nodded.

Pagkadating ko ng sala, napansin ko yung mga picture frames na nakapatong sa may piano. May isang malaking family picture then puro picture nila Justin, Flip at Kriston nung bata pa sila. Wala manlang kaming picture ni Justin? Kinalimutan niya na nga siguro ako.

I just sat on the sofa nang may napansin akong dalawang picture albums na nakapatong sa may center table.

Tinignan ko yung picture album. And look what I just saw! Picture namin dalawa ni Justin sa photobooth. May nakalagay na, "First picture together."

Ang dami naming pictures ni Justin. May picture kami nung 18th birthday ko na magkayakap. Karamahan puro stolen yung pagkakuha samin pero we look so happy with these pictures! It only means, marami din kaming naging masasayang memories ni Justin.

Sa kalagitnaan ng photo album, may malaking picture ako na natutulog ako then may message sa under it.

'Hi baby! You were sleeping in this picture. Nakatulog ka nito kakahintay sakin, nanuod pa kasi kami ng NBA nila Flip eh? Wala lang, gusto ko lang malaman mo na kahit natutulog ka, ikaw padin ang pinakamagandang babae para sakin. I love you so much! Para kang anghel dito baby oh? I'm so lucky to have you baby. Thanks sa patience mo sakin!'



May isang picture naman kami na nakayakap ako sakanya then naka-akbay siya sakin pero nakatingin kami sa malayo. Eto ata yung nasa may batangas kami? Sa may resort nila. May message ulit under the picture.

"This was at Batangas. With my future wifey! Nasa-roof top kami kaya medyo mahangin! Thank you Kriston sa pag picture! The best ka talaga pre!"

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon