1

4.4K 77 1
                                    

"Girl, really? You're wearing that?" Nakataas kilay kong tanong sa kaibigan ko. Tinignan naman ulit niya suot niya sa salamin bago bumalik saakin ang tingin, tinaasan na rin naman niya ako ng kilay.

"Yeah, ano problema? Cute kaya suot ko." Winagayway pa niya yung skirt na above knee level lang. "Besides, wala naman akong ini-impress na lalaki or crush manlang sa school." Inirapan niya pa ako bago umupo sa sahig at sinimulang ayosin mga gamit niya.

"You have to impress yourself." I rolled my eyes at her before putting on my red lipstick, "You got to outshine all of the girls there if you want boys simping for you." Nginisian ko siya na inirapan naman ulit niya. Magkaiba talaga kami nang mindset pagdating sa pag papakadyosa.

"I impressed myself enough, kaya di kailangan ang mga yan para ipakita sakanila sino mas maganda. Eh ikaw?" Wala sa isip niyang tinanong. I shrugged my shoulders and crossed my legs, feeling like as if I was sitting on my throne.

"I already outshined the girls without even trying." I flipped my hair and we both laughed. "Seriously though, I already did."

"Yeah you did, kaya siguro natalo ka as prom queen last year?" She smirked. My smile then turned into a scowl as I remembered last year's prom, Tatiana had won against me because of her daddy's money.

"Cheating would bring her nowhere. Sa tingin niya di ko mahahalata yon? Pft, magchecheat na ngalang di pa ayusin." I scoffed, "Umaasa lang sa pera ng tatay kasi alam na wala siyang alam pagdating sa mga ganon." Narinig ko naman ang pagtawa ni Xeryel sa sinabi ko. Totoo naman, isa si Tatiana sa pinaka competitive pero pinaka bobo sa buong school, parang isang plastic bag na nakikipag compete sa brilyante.

"She hates losing, kaya napaasa nalang doon." Tuloy ni Xeryel, tinignan ko siya at tumango lamang."Well, we better get going na. Ayaw naman malate sa first day of school right?" Tumango ulit ako at tumayo bago kinuha book bag ko at nauna nang lumabas. Tumuloy nako sa sasakyan ni Xeryel since wala akong gana mag maneho ngayon.

Ilang minuto lang ang lumipas at lumabas na rin si Xeryel sa bahay, hawak hawak ang kaniyang bag at susi, tinaasan niya ako ng kilay nung nakita niya ako sa passenger sit pero nagkibit balikat lang ako.

"Hey, ano nga ulit pangalan nung lalaking hiniwalayan mo kahapon?" Tanong niya pagkapasok palang niya. Napaisip ako kunti, because I don't really have any brain space para sa mga useless informations.

"Circus? Ceremony?" Natatawa namang umingil si Xeryel na nagmaneho paalis nang bahay at papuntang school, "Ah! Cyrus, yeah, Cyrus." Napatango tango pa ako sa sarili nung naalala ko na pangalan niya.

A Gangster's Love (ON-GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang