Prolouge

29 4 4
                                    

Prologue



Nandito ko ngayon sa lugawan habang kasama ko ang kaibigan at kaklase ko na abala sa paglamon, pambihira! Kanina pa siya lamon ng lamon kaya di' na niya napansin na halos hindi ko na magalaw yung pagkain ko...

Paano ba naman kase naka-spot nanaman ako ng gwapo dito sa lugawan! hehe, in fairness! huhu ang gwapo niya ah? 'bat mag-isa lang siya? Mukha siyang Koreano pero may pagka-Western rin ang face niya, ayyyyy! dapat ng gwapong katulad niya ay hindi loner, tss... makalapit nga hehe,

lapit lang naman... hehe...
ay wag na nga! ginapangan ako ng hiya, baka kasi masungit!

Habang tinutunaw ko siya sa mga titig ko ay kinurot ako sa braso ng kaibigan ko.

"Aray!!! ang sakit 'non Maria!" naiinis na sabi ko.

"Naku, Hannah! bagay sayo yan, para mong hinuhubaran yung lalaki sa titig mo ah!, yung bibig mong mala-kanal, literal na nakanganga!"


"Ha? ano? bibig ko kanal!? di' naman ako bad breath ah?!" reklamo ko.


"Baho kaya ng hininga mo! lakas maka-murder! baka maging kriminal kapa dahil kaderder sa mong hininga" pang-iinis niya.



'Di naman kaya mabaho hininga ko! tsk.



"Sinungaling, tss... kagandahan ko ang kaya ang literal na makaka-murder! sa ganda kong toh maraming magpapakamatay na boylets kapag binasted ko sila! Oh diba?! hehe."


"Oks lang yan, wala namang magpapakamatay kasi wala ka namang mababasted, e wala namang nanliligaw sayo? AHAHAHAHA" sabi ni Maria


Inirapan ko na lang yung kumag na yun, paano panaman kasi, totoo naman yung sinabi niya.


tss. realtalk lang ganun.




Sino ba naman magkaka-interes sa pagmumukhang toh!?




I mean hindi naman ako sobra panget, slight lang hehe



Ako nga pala si Hannah Bartolome.


College student, Soon to be Architect! (oh, diba! pero dapat teacher ang ateng niyo kahit socially awkward! hehe pano ba naman kasi yun lang yung kinaya ng magulang ko, sa katunayan, pinilit ko lang talaga sila na Architecture ang kunin ko kasi yun talaga ang gusto ko dahil narin sa hilig ko sa arts kaso hindi daw nila kaya naging scholar ako para maabot ko ang pangarap kong maging architect, kahit naiistress nako sa mga plates na yan! hehe)



Nag-aaral ako sa pang-mayamang school, Dashiel University. Scholar ako, pati si Maria. Kaya nga naging kaibigan ko siya eh, halos mayayaman kasi yung mga studyante dun, parang ang hirap makibagay e. Yung iba salbahe saka spoiled pero meron naman mabait.





Yes, artistic ako, talent ko iyon. Bata palang ako mahilig na akong magdrawing, hanggang sa nag-highschool ay nag-improve ako, gumagawa ako ng mga Graphite or charcoal portraits na pinagkakakitaan ko rin nun lalo na kapag may bayarin sa school. (self taught pa, 'o diba ang yabang hehe)




Laki sa pamilyang kumbaga average lang.

Plain looking lang ako,

-ay wait, sa totoo lang, below average looking ako.



Hindi naman ako sobrang panget na parang pwedeng mag-sideline sa Halloween! yaw ko nga nun!


Payatot, pango, makapal at buhaghag ang hair at higit sa lahat... flatchested





Please, Love Me BackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora