ONESHOT: He Belongs To Me

28 1 2
                                    


[Author's Note: Na-inspire kasi ako sa Yaoi Manhua na "Dear Door", so naisip kong gumawa ng story na medyo related dun. May sense din naman kasi 'yung storyline, I mean... common knowledge na yung sabi nila na "Every person has their own demons inside them." So ito na nga. Sana magustuhan niyo, tho, oneshot lang talaga 'to.]
______________________________________

HITORI POINT OF VIEW

Here I am, standing in front of our new classmates. Kasama ko ang kakambal kong si Hotaru. We're Senior High School students, at transferee sa school na ito...

Nakakabagot, pambihira. Wala man lang akong makitang chick na maganda dito. Si Hotaru na lang ang nakikita kong... hayst!

Yeah, itong kakambal ko ang ginagawa kong standard ng Maganda, ang kaso wala pa akong nakikitang mas lamang sa kaniya.

"Hi, my name is Zheibe Canarieah Fausto." masiglang bati ng cute na cute kong kapatid. Haist, nadevelop ko na talaga itong Sister Complex since Primary School!

"My name is Zhan Caledon Fausto." matamlay na pagpapakilala ko.

Nakatayo sa tabi namin si Teacher Anne. "Oh, I heard may Japanese names din kayo. Can you tell us your Japanese names?" Teacher asked.

Kita kong tutok na tutok sa akin ang mga kababaihan, ang mga kalalakihan naman ay kay Hotaru nakatoon ang pansin.

Black haired ang kakambal ko na hanggang baywang ang haba, nakabangs. Typical na Japanese Girl. Ako naman ay blond na madalas kong kulayan ng itim, at may bangs na humahabing sa noo ko. Typical na Korean Idol.

Ah yeah, I'm an aspiring idol.

"Oh, I am Hotaru Tachibana, Yoon Eun Byul is also my Korean name." anang kapatid ko sabay hawi ng buhok at inipit sa kaniyang tainga.

"And I'm Hitori Tachibana, and Yoon Eun Gyul is my Korean name." sagot ko naman.

"Wahhh!"
"Ang gaganda talaga ng lahi nila oh!"

Naglalaway sila sa amin, literally.

"Tatlo-tatlo ang mga pangalan nila, nakakahilo yun."
Usapan ng mga kaklase namin.

"Okay, you can take your seats. Ciel, kayo ang magkatabi ni Hitori." said Teacher Anne.

Lumingon ako do'n sa student na tinawag niyang Ciel, nakaupo sa pinakagitnang row.

Ang tangkad!

"And, Alyssa... kayo naman magkatabi ni Hotaru."

Tiningnan ko rin 'yong student na nasa likuran lang n'ong Ciel. Maganda siya ah. Pero hindi kasing cute ng kakambal ko.

Parehas naming tinungo ni Hotaru ang kaniya-kaniya naming seats.
"Hi, nice to meet you." Bati ng kapatid ko sa katabi niya. Nagblush agad yung babae. "H-hi!" Nauutal nitong tugon.

Ahhh, here it goes again. My sister's charisma... can also affect and attract females. Its not a curse, but a gift. At least that's what Kori-san told us. But for me, unknown pa rin. I don't know kung ano ang gift sa akin. We're gifted daw eh, pero hindi ko pa rin alam kung ano ang sa akin.

Nang biglang... "Hi," Isang baritono at napakalalim na boses ang nanuot sa kaloob-looban ko. Napalingon ako sa taong bumati sa akin.

"My name is Ciel Lluch. Nice to meet you, Caled." Aniya sabay may devious na smile sa dulo. Iniabot niya ang kamay niya sa akin para makipag kamay.

"Oh," nakipagkamay naman din ako.

Agad kong ibinaling ang aking tingin sa kabilang side. I know I was blushing so much, which is... hindi ko alam kung bakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Belongs To Me (ONESHOT)Where stories live. Discover now