Sa paglayo ng ina...ama ang inaasahang kakalinga. Taliwas ito sa inaasahang nangyari. Bagkos ito na ang simula ng PASAKIT NI TRAHEDYA.
Ang dating hindi padapuan ng lamok na si Trahedya ay napuno ng lamat sa katawan buhat ng sinturon, lubid, hanger, dos por dos at walis. Lamat sa katawan na mabura man ng panahon ay nag iwan na ng lamat sa puso at isipan ni Trahedya.
May mga panahon na ang paghagupit ng sinturon ay hindi pa sapat para sa ama at naibaling ang atensyon sa sako na nasa sulok ng kahon. Isinilid ang kawawang si Trahedya at tinali sa puno habang pinapausukan ng siga na gawa ng mismong ama.
Sinampal ng kamatis sa mukha at kinulong sa kabinet...ang dahilan ay hindi mapakain ng gulay si Trahedya.
Hindi pinapasok sa bahay at hinayaang matulog sa manukan sa silong...ang dahilan nahuling sa pinag usapang oras na umuwi si Trahedya.
Pinaglakad sa init ng araw sa buong village si Trahedya sapagkat ayaw nitong huminto sa kakaiyak dahil hinahanap nito ang kanyang ina...NG HUBAD AT WALANG SAPLOT.
Sa mura edad at pag iisip ni Trahedya mulat na ito sa parusa ng ama. Nagtatanong si Trahedya...ina, pag asa asan ka na? Kailan hihinto ang pasakit na nararanasan nya...kailan?
BINABASA MO ANG
Trahedya
Short StoryBuhay na puno ng pasakit na nagmula sa mga lalaki ng buhay ko...