1. Panaginip

5 6 0
                                        


"Anya! Please, comeback to me!"

Iyan lang lagi ko'ng natatandaan sa panaginip ko, sa tuwing magigising ako araw-araw. Mag iisang linggo nang paulit-ulit ang panaginip ko.

Hindi ko alam kung bakit laging paulit-ulit ang nagiging panaginip ko. Ano ang mayroon dito at bakit hindi ko matandaan ang buong nangyari sa panaginip ko?

Tanging ang linyang iyan lang ang hindi ko nakakalimutan. Naging pamilyar na sa akin ang boses dahil ang mga salitang 'yan ang natatangi at hindi nabubura sa mga pangyayari sa loob ng panaginip ko. Ang mga salitang 'yan ang huli kong naririnig bago ako magising kinaumagahan.

Bumangon na ako at nag madaling maghanda para sa araw na ito. Nag-iisa nalang ako sa buhay at pilit naghahanap ng mga kasagutan.

Ano ba ang purpose ko sa mundong ibabaw?

Bakit ako binigyan ng ganitong pamumuhay? Nag-iisa at walang direksyon ang buhay.

Bakit ako binigyan ng ikalawang buhay, kung ganito't pilit pinagkakasiya ang sarili at makibagay sa iba?

Ang boses sa aking panaginip, ano ang koneksiyon ko sa kaniya?

"One Caramel macchiato please." natigil ako sa pag-iisip at kinuha ang order.

"Here's your Caramel macchiato Ma'am, enjoy!" nakangiti kong ini-abot ang order sa kaniya.

Tinignan ko ang suot na relos, oras na pala at tapos na ang shift ko. Hinubad ko na ang suot ko'ng apron at nilagay sa locker saka nag bihis narin.

Nakita ko'ng nagbibihis na rin ang kapalitan ko sa trabaho. Ngumiti siya sakin, kaya ngumiti rin ako.

Hindi kasi ako ganon ka close dito sa mga katrabaho ko maliban nalang kay Ma'am Ansel na siyang nagpasok sa'kin sa trabahong to at siya ring may-ari nitong coffeshop.

"Ma'am Ansel, una na po ako." paalam ko sa kaniya.

"Faith sandali," pigil niya sa'kin ng akmang tatalikod na ako para umalis.

"Ito, unang sweldo mo." naka ngiti niyang ini-abot sa'kin ang puting sobre.

Naka ngiti ko naman itong inabot sa kaniya.

"Nako! Maraming maraming salamat po Ma'am Ansel, salamat po dito at sa pagbibigay niyo ng trabaho sa akin." Tuwang-tuwa ako habang sinasabi ang mga salitang binitawan.

"Walang ano man Faith, sige na at baka may pupuntahan kapa, enjoy!" yumuko muna ako sa kaniya bago tuluyang lumabas sa opisina niya.

Tumigil ako saglit at tinignan ang puting sobre na hawak ko.

Napa ngiti ako ng bahagya.

Nay, Tay, ito po at natanggap ko na ang unang sahod ko sa bago ko'ng trabaho. Masaya po ako ngayon. Pero mas masaya po siguro kung narito kayo, naipapalagay ko, kung naririto kayo at ini-aabot ko sa inyo itong unang sahod ko, mas masaya po siguro 'yon, ano po?

Matapos ko'ng pinag-paparte-parte ang sahod na natanggap ko para sa kuryente, tubig at grocery ay naglaan ako ng pera para ibili ng bulaklak na dadalhin ko sa puntod nila nanay at tatay.

"Nay, Tay, alam ko'ng masaya na kayo diyan sa itaas..."

Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha sa aking mga mata.

"Pero bakit naman po ganon...?"

"Iniwan niyo ako ng sabay?"

Napahagulgol na ako ng iyak, hindi ko na kasi mapigilan ang emosyong pilit ko'ng tinatago.

Random Entries ( One Shots )Stories to obsess over. Discover now