[52:]❤A.k.a Cheating?

2.7K 42 9
                                    

Hay ang bilis ng oras. Parang last week lang magkasama lang kami ni Mhike at nagkukulitan, tapos ngayon eto magkahiwalay na naman kami *pout*

 

 Hoy oras pwede ka namang maglakad eh, bakit k aba kasi tumatakbo? Ayan tuloy di kita mahabol-habol” eto nababaliw na ako, kinakausap ko pati oras. ^.^v

 

*Bzzzzzz*

 

H-hello?” sinagot ko ang tumatawag sakin. Unregistered eh.

 

Hello Jasmine si Carl to” badump!badump! ay putek ang puso ko ang bilis tumakbo. Pwede ba heart may Mhike na ako kaya wag ka ng kumerengkeng!!

 

Ah Carl ikaw pala. Bat napatawag ka?”

 

Kasi ano, half day lang kami ngayon. Nabalitaan ko kayo din, bale pwede ka bang mayaya?” mayaya saan? At pwede ba pati din kaya si Mhike. Classmates kaya kami.

 

Huh?! Eh, saan naman?” bumigay agad? >.<


Sa mall lang, date tayo! tugudug!tugudug! kudug.kudug.tugudug. Niyayaya nya ba akong makipag date?

 

Date?” pag-uulit ko sa kanya.

 

Yup”

 

Huh?! Hindi ako pwede Carl sorry. Magagalit sakin si Mhike. Ayokong mag-away kami” love ko kaya si Mhike kaya ayokong magalit sya sakin >.<

Di yun ano kaba, friendly date lang naman. Nagpaalam na ako kay Faye pumayag naman sya. Hindi naman tayo mangangaliwa baliw ka talaga” aray! Napahiya yata ako dun ah.

Oh ano tara na?” friendly date lang naman daw. Walang malisya. Busy din kasi si Mhike  may pinuntahan ayaw naman sabihin sakin *pout*

Sige na nga sunduin mo nalang ako sa bahay *bleeeh*”

Badgirl vs.the CasanovaWhere stories live. Discover now