Eight: Galet?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yuck ka! Kadiri! Umalis ka nga dito. Ang baboy mo!" pagtataboy ko sakanya.

"To naman.. Joke lang. Sige na, tumugtog ka na dyan. Kahit wag ka na kumanta." sabi nya sabay ngisi.

Arghhh! He's so unbelievable! Pano sya natatagalan nila Carla? Nabanggit kasi sakin ni Carla na dati daw dito rin nakatira sila Jonathan pero something happened kaya kinailangan nilang lumipat ng bahay. Di nya naman sinabi sakin yung reason.. Tinulugan na ko nung bruhang.

Hindi ko nalang sya pinansin at tumugtog pa ulet. Di na ko kumanta. Nakakahiya naman sa kanya diba? Psh.

"Erika paki-hila nga tong daliri ko. Nangawit kasi bigla eh." sabay abot nya sakin ng pointing finger ng right hand nya.

Hindi ko agad inabot kasi baka mamaya kalokohan nanaman yung gagawin nya.

"Dali na.. Sumasakit. Bilis." mukha ngang nasasaktan sya kaya hinila ko na.

Pagka-hila ko..

*pooooooooooooooooooooooooott*

Nagulat ako sa narinig ko.

Sya --> "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" ^_________________________________________________^V 

Ako --> =__________________________________=

"Alam mo hindi ka nakakatuwa! Yuck! Kainis! Dyan ka na nga!" sabi ko na medyo natatawa sabay pasok sa bahay.

Tama ba namang umutot pagkahila ko nung daliri nya. Gross!

**End of Flashback**

O diba? Sino ba naman matutuwa dun? Mula nung incident na yun, wala na syang ginawa kundi asarin ako. Hay nako, matutuwa talaga ako pag nawala sya sa paningin ko. Kahit isang araw lang.

Anyway, balik tayo sa kasalukuyan kung nasan kami.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nung napatingin ako kila Vincent at Anthony na kasalukuyang naglalaro ng frisbee.. Nakaka-gaan ng loob yung tawanan nila pati narin sila Carla at Mich na naglalaro ng chess. Si Rica, may binili. Si Jonathan naman, nevermind. IDC.

"Erika.." napatingin ako sa tumawag sakin.

Yung ngiti ko kanina agad ding nawala dahil dito sa unggoy na to.

Nagsalita ulit sya.

"Ganyan ba talaga kalaki galit mo sakin? Nakita mo lang ako nawala agad yung ngiti mo."

Magsasalita na sana ako kaya lang nagsalita ulit sya.

"Ge. Alis na ko."

Bastusing bata yun aa! Di man lang ako pinagsalita.

Lumapit sya kay Vincent tapos may binulong tapos umalis na.

"Ano nangyare dun? San pupunta yun?" biglang tanong ni Rica sakin. Nandito na pala sya.

Sasagutin ko sana si Rica pero biglang nagsalita si Vincent. Nakalapit na pala sila dito sa inuupuan namin. Pati sila Carla lumapit din.

"Uwi na daw. Sumakit daw puso e." sabay tingin sakin ng nakakaloko.

"Huh? Ahhhhhhh.." sabay smile naman ni Rica kay Vincent.

"Teka nga.. Tetext ko. Sasabihin ko walang gamot sa sakit nya. Ipahinga nya nalang. Hahaha!" sabi ni Mich at nag-apir sila ni Carla.

Simply, It's Not The End (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon