"Thank you, Rachel. Salamat sa pagpush." Nilapitan ako ni Fat Boy. Mataba pa rin ito pero cute ito sa suot niyang suit.




"No problem. Gusto ko talaga ang theme ng mga paintings mo."




"I want to paint you Rachel pero mukhang mawawala sa theme ko kapag ikaw ang pininta ko. Ang payat mo na." Napatingin naman ako sa braso ko dahil sa pamumuna niya. Totoo iyon. Ang laki nga ng pinayat ko dahil na rin siguro sa sobrang daming ginagawa. But I am not complaining. Mahal ko ang trabaho ko pero gaya nga ng sinasabi sa akin palagi ni Magda kailangan kong magdahan-dahan at kailangan kong alagaan ang sarili ko. Lately kasi lalung-lalo na kapag may exhibits puyatan kami ni Aaron dahil sa preparation. Lalo pa ngayon napakademanding ng kliyente namin.




"Hayaan mo kapag naging maayos na ulit at hindi na hectic ang sched ko magpapataba ako."




"That's more like it--"




"Fat boy I want to introduce you to someone." Napalingon kami pareho ni Fat boy sa kasama ng agent niya. Tumango ako rito at nagpaalam na. Gusto ko rin munang maupo saglit dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod talaga ako ngayon.




Nabigla naman ako ng magring ang celphone ko. Kinuha ko agad ito at nakita ko ang pangalan ni Dave.




"Yes, Babe?"




"Babe...nasaan na iyon bayad? Pwede ko na bang makuha ngayon? Madali lang naman mabenta di ba?" Napailing na lang ako sa paalala ni Dave sa akin. Sa sobrang busy ko ay hindi ko na siya natuluyang ipagbenta ang mga products niya na inendorse at naibusiness talk niya sa akin noong isang buwan. Nasa networking business kasi ito at binebentahan niya ako ng products niya as well na nagpapatulong na rin itong magpabenta.





"Oo babe... nabenta ko na. Kailangan mo na ba ngayon ang pera? Pwede bang bukas na? May event kasi ako ngayon sa gallery medyo busy."




"Babe naman, I need the money na. Daanan ko diyan, please. Thank you. See you." Hindi na ako nakapagsalita at sumang-ayon na lang ako. Twenty thousand ang bayad sa lahat ng product na kinuha ko. Wala pa man sa gitna ng buwan ay ubos na ang sahod ko. "Thanks babe. You are really the best." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Atleast kahit papaano natutulungan ko si Dave na maging better version ng sarili niya. "I'll be there in an hour." Huminga ako ng malalim. Oo, Rachel ginagawa mo iyan para matulungan mo siyang maging better version ng sarili niya dahil mahal mo siya. Tama iyan, Rachel. Tama nga ba?

...

Nauna na si Aaron dahil may flight ito ngayon papuntang art exhibit sa Hongkong. Nakipagtie-up kasi ang kumpanya namin sa kumpanya sa Hongkong para sa international exhibit ng isa sa mga painters namin.



Hinihintay ko na lang matapos ang contractors namin. Pinabantayan ko muna ito sa security guards namin at sinabi ko sa kanila na tawagan ako kapag tapos na. Pakiramdam ko kasi ay pagod na talaga ako at kailangan kong magpahinga kahit saglit lang. Ito na nga siguro ang sinasabi ni ate. Isama mo pa ang pag-iisip ko at pagkukumbinse kong tama ang pagtulong ko kay Dave. Masayang-masaya ito ng makita niya ang pera na binigay ko. Maaring ito ang maging motivation niya para lalong magsumikap.


Kaagad akong tumuloy sa fourth floor at pumasok sa office ko. Napailing na lang ako sa dami ng papel sa may table ko na mga plano at kahit ang upuan ko ay meroon dahil nga dalawang linggong mawawala si Aaron. Wala na akong pwesto para makaupo man lang at mamahinga. Umupo na lang ako sa carpeted na sahig at sumandal sa pader at pumikit. Nasa tabi ang celphone ko para kaagad kong marinig kapag tinawagan ako ng security. Saglit lang na pahinga ang kailangan ko.



Impression on the HeartWhere stories live. Discover now