5 chapters to go!!!
Short update! But still worth it!
----------------------------------------------------
Chapter 40
Matthew's POV
"Here. H-hindi ko pa po yan binubuksan. Gusto kong...kayo ang unang makakita."
Inabot ko kay Direk ang envelope.
"Thank you."
Halata mong kabado siya. Ano nga kaya yun? Ano kayang resulta? Positive? Or negative?
"A-ano pong resulta?"
Nanginginig ang kamay niya habang hawak-hawak na yung resulta. Tinignan ko ang mukha niya. Unti-unting lumiko ang kanina ay naka-diretso niyang labi.
"Positive. Anak ko siya. Buhay ang anak ko! Buhay siya Matthew!"
Sa tuwa niya ay nayakop niya ko. Ako? Eto tulala. Nahanap ko na ang tatay niya..ibig sabihin, kailangan ko ng sabihin sa kanya. Kaya ko ba?
"Hey, Matthew. Okay ka lang ba? Hindi ka ba masaya?"
"M-masaya po..kaya lang.."
"I want to meet my daughter. Now."
Tumango ako. Bahala na kung anong mangyari.
Miracle's POV
"Miracle."
"Oh. Anong ginagawa mo diyan? Dito ka."
Umupo si Matthew sa tabi ko dito sa kama.
"May..may gusto sana akong sabihin sayo."
"Ha? Ano?"
Itinabi ko muna yung mga tinutupi kong damit.
"Gusto mo bang makita ulit ang tatay mo?"
Kumunot ang noo ko. Bakit naman niya natanong?
"Ahh..o-oo?"
Bigla siyang ngumiti.
"Well, your wish is my command."
Kumindat pa siya. Tumingin na lang ako dun sa pinto gaya ng ginawa niya. Biglang pumasok si Direk. Teka, bakit si Direk? Anong ginagawa niya dito? Tumayo ako tsaka ako lumapit sa kanya.
"Direk? Ano pong ginagawa niyo dito?"
Nagulat na lang ako ng yakapin ako ni Direk.
"Ah..eh..m-may problema po ba?"
"Twinkle, twinkle little stars..kay dami pero sa aki'y isa lang...sapagkat ikaw anak, nag-iisang bituin ng ama..twinkle, twinkle little...stars..."
Y-yung kantang yun....k-kami lang may alam nun.. Tumingin ako kay Matthew pero tumango lang siya. Nagsimula ng tumulo ang luha ko.
"D-direk..."
"Anak, I'm sorry...please, patawarin mo si Tatay. Hindi ko kayo iniwan...hindi ko kayo sinukuan. Sorry kung nahuli ako, sorry..."
Tinanggal na niya ang pagkakayakap niya sakin.
"I'll explain everything. Please...please listen to me."
Kita ko na rin ang mga luha sa mata niya. Tumango lang ako.
"Sorry..sorry kung ngayon ko lang nalaman lahat ng toh..edi sa-"
Bigla ko na lang siyang niyakap pagkatapos niyang magpaliwanag.
"Sorry...sorry kung hinusgahan agad kita. Sorry kung nagalit ako agad sayo. Sorry T-tay.."
Kahit nakayakap ako sa kanya, ramdam ko ang pagngiti niya.
Hindi ko alam na dadating pa pala ang puntong ito. Yung makikita ko ulit siya at mayayakap. Akala ko pag nakita ko siya, magagalit ako. Pero hindi..hindi ko pala kayang magalit sa tatay ko..hindi pala..dahil hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya... Ako pa rin pala yung daddy's girl niya. At siya pa rin ang tatay ko..
"Sorry anak ha."
Tumango lang ako. Pareho na kaming umiiyak.
"Sorry din Tay.."
"I want to introduce you to the public. Sakin ka na titira. Please, hayaan mo kong bumawi sa mga pagkukulang ko sayo."
Tumingin ako kay Matthew. Pilit siyang ngumiti sakin.
"S-sige Tay. Sayo ako titira pero wag niyo na kong ipakilala sa publiko. Ayos na ko na kilala na natin ang isa't isa."
Ngumiti siya tsaka niya ginulo ang buhok ko.
"Manang-mana ka talaga sa Nanay mo."
"Pero Tay..pwedeng mag-request?"
"Anything! Kahit ano, anak."
Tumingin ako kay Matthew tsaka ngumiti. Pilit ulit ang ngiting ibinigay niya sakin. Alam ko na ang jbig sabihin nun. Pinapakita niya na masaya siya para sakin pero ang totoo malungkot siya dahil sa ibang bahay na ko titira. Pero sorry na lang siya. Kahit sa ibang bahay ako matutulog, babantayan ko pa rin siya. Akala niya ha?
"I still want to be his P.A."
Dahil kahit nakita ko na ang tatay ko at nalaman kong mayaman pala siya at sikat, gusto ko walang magbabago. Gusto kong ako pa rin yung P.A. na nag-aasikaso sa kanya. Gusto kong ako pa rin yung P.A. na kayang sumagot sa boss niya. Dun kasi kami nagsimula eh. Gusto ko, mula noon hanggang forever, ako pa rin yung P.A. ng Teen King na mahal na mahal siya.
At siyempre, mahal niya. Dahil kung hindi, sasapatusin ko siya.
--------------------------------------------------------
Malapit na ang end!!
YOU ARE READING
In love with my P.A.
FanfictionPaano kung dahil sa nakaraan magulo ang buhay mo sa kasulukuyan? Paano kung yung taong binuo mo ngayon, ang taong sinira mo noon? Paano kung pigilan ng nakaraan ang maganda mo sanang kinabukasan kasama ang babaeng kasama mo ngayong kasalukuyan? And...
