0001

9 0 0
                                    

EVANESSA'S POV

*RINGGG* *RINGGG* *RINGGG*

Nakapikit pa ang mga mata ay kinapa ko na ang alarm clock ko sa side table at agad-agad na in-off ito.

Nag-unat muna ako bago dahan-dahang minulat ang aking mata.

Inayos ko muna ang robanh suot ko bago bumangon. Humikab ako at nag-unat ulit.

"Good Morning, World." bulong ko sa hangin at tumayo na mula sa kamang in-u-upoan ko.

Alas sais na ng umaga, ihahanda ko na ang mga gamit para makapagsimula na ako.

Inayos ko ang pinaghigaan ko, nilagay sa tamang pwesto ang mga unan at tinupi ang kumot.

Pumunta ako sa drawer at kumuha ng damit at dinala sa restroom. Nilagay ko sa may lababo ang damit at pumasok na ako sa shower room, hinubad ko muna ang roba at naligo na.

Pagkatapos maligo ay nilukot ko ng tuwalya ang buhok ko at nagbihis.

Lumabas na ako mula sa restroom at dumiretso sa kama.

Dumapa ako at hinila ang camera set ko na nasa ilalim ng kama at si-net-up iyon sa may table sa bandang harap ng kama.

Hinarap ko ang camera sa bandang uupoan ko at in-adjust para makita ang pwesto kung saan ako uupo.

Kinuha ko ang make-up set ko at ang maliit na mirror at inilagay sa gilid ng mesa.

Pinindot ko na ang 'record' button at dali-daling umupo sa upoan.

Yes, ready na.

In

3

2

1

Go!

"Hello, guys. It's me, Evanessa and welcome back to my channel." panimula ko sa ni-r-record ko na video para sa vlog ko.

Oo, tama kayo. Vlogger ako, it's a hobby of mine.

"So for today's video, it's about PUTTING.MY.DAILY.MAKE UP!" dagdag ko habang nag-p-posing pa.

"So guys, simple lang ang gagawin natin ngayong araw. Ituturo ko sa inyo kung paano ko i-apply ang daily make up ko."

"So ang una ay ang make up base." sabi ko sabay pakita ng aking make up base sa camera.

Dahan-dahan ko itong in-apply sa mukha ko habang nakatingin sa salamin na hawak ko.

"Make sure na pataas ang pag-apply niyo ng make uo base, that goes for the foundation and other things na i-a-apply niyi sa mukha niyo." dagdag ko.

"Next, is foundation. Powder foundation ang gamit ko sa ngayon, guys. " sabi ko sabay ipinakita sa camera ang foundation na gamit ko.

Dahan-dahan kong nilagyan ng foundation ang mukha ko gamit ang foam.

"Light lang ang ilalagay ko, guys kasi ayoko magmukhang clown." sambit ko at tinapos ang pag-apply ng foundation.

"The next one is for eyebrows, I prefer to use pencil to make it look natural." sabi ko at pinakita sa camera ang eyebrow pencil na gamit ko.

"Lagyan niyo muna ng linya guys, yung boundary na hanggang diyan lang, bawal lumagpas. I-follow mo lang yung form ng kilay niyo sa pag-gawa ng linya at pagkatapos niyo gumawa ng linya ay i-shade niyo na ang with in the line. Sa akin ay light lang ilalagay ko para di masyadong makapal tingnan." sabi ko habang titingin sa camera at titingin din sa salamin na hawak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Amor Inesperado(Unexpected Love) O N  G O I N G Where stories live. Discover now