to bring back

1.2K 111 19
                                    



Hindi man mahilig lumabas ay napilitan si Autumn na makipagkita sa mga kaibigan dahil kakauwi lang ng isa galing Italy at ang isa naman ay aalis at maninirahan na sa Canada.


Among her collection of lavish and expensive pieces of clothing, Autumn chose to wear a short iridescent black knit dress from Balmain on which she paired with a Jimmy Choo leather heeled ankle boots and her favorite Chanel black flap bag.


She carefully fixed the little curls of her blonde ombre hair. Clearly, she doesn't need a touch of her precious jewels to define her place in society but Autumn still chose to accessorize by wearing two Cartier rose gold bangles which was a gift from her Mother.

Checking herself in the mirror, she felt satisfied and ready to go. Autumn took her phone out and dialed a familiar number.


"Sunduin mo na ako." Bungad niya pagkatapos ng tatlong ring.



"Welcome back Miss Maldita." Sagot ni Nieves.

"Nasa baba na po ako naghihintay sayo mahal na prinsesa."



"Bunso bumaba ka na, may date pa kayo netong kupal na katabi ko." Adam said on the background.


"Mas kupal kang hayo— "


Napairap lang si Autumn habang pinipindot ang end call. Dalawang beses pa siyang lumingon sa salamin bago tuluyang lumabas ng silid.


Ngayon ay ipinag-maneho siya ni Nieves kahit pa may sarili rin itong lakad dahil sa utos ng Ama.


"Do I look pretty today?" She asked the latter habang nagsimula na itong magmaneho papunta sa Restaurant kung saan naroon na ang mga kaibigan.


"Keri lang." Patuyang sagot ni Nieves.


"Umayos ka ng sagot."


"Umayos ka muna ng upo. Hantad na 'yang hita mo oh"


"So what? Ikaw naman ang kasama ko."


"Sa ngayon ako, pero mamaya kasama mo na ang mga kaibigan mo. Basta mamaya be mindful nalang sa pag-upo mo. Maraming manyakis dyan sa tabi-tabi."


Autumn suddenly released a boisterous laugh.


"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Seryosong tanong ni Nieves.



"Paki-ulit nga Nieves? What did you just say? Be mindful nalang?" Sabay hagikhik ni Autumn.

"Conyo ka na? Just like me?"



"Ha. Ha.  Asa. Mag-drive ka na mag-isa mo. Hindi kita susunduin mamaya bahala ka."

The Songs and Invisible ThreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon