Prologue

76 10 24
                                        


"Egg, lapit ka"

Utos ko umusog siya papalapit sakin, inangat ko ang aking kamay at inalis ang alikabok sa mukha niya.

Naglilinis kase kami dito sa attic, gagawin ko kasi itong kwarto at yung kwarto ko dun ko ilalagay yung mga collection ko ng helmet at mga trophy ko.

Sa baba lang kasi nitong Attic ang kwarto ko.

"Bacon paabut naman ng tubig"Inabot ko ang pitcher na sa malapit sakin, sinalinan ko ang baso niya at inabut iyon.

"Here."

"Baba lang muna ako, magluluto lang ako ng merienda natin."Tumango siya at nagpatuloy sa pagwawalis, maingat akong bumaba sa hagdan.

Nagulat ako nang makitang naka bukas ang pinto ng kwarto ko, nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at hinanap ang kuting na makulit.

"Twilight nakikita ko ang bumbum mo"Nakangiting sambit ko ngunit hindi parin siya lumabas, nag tago siya sa likuran ng istante ngunit kitang kita ang cute niyang bumbum.

Marahan akong lumapit sa kanya at ginulat.

"Wa!"Ang hagikgik ni Twilight nag eecho dahil naka suot siya ng helmet. At ang pinaka favorite kong helmet pa ang suot niya.

Hindi ko maiwasan mapangiti sa nakita ko.

Nang matapos niyang tumawa inilahad ko ang aking kamay at niyaya siyang bumaba.

"Want do you want for merienda?"tanong ko sa kanya, nakasuot pa rin ang helmet sa ulo niya.

Dahil maliit ang ulo niya panay ayus siya. "Palitan natin yung kasya sayo anak."Siya na mismo nagtanggal at kinuha ko ang kauna unahang helmet ko.

Sigurado akong kasya sa kaniya.

At tama nga ako.

"Gusto mo sayo na lang yan?"

Inangat niya ang visor kita ko ang mata niya, na parang ginuhit ng isang linya dahil sa pag ngiti niya.

Ang mata niya gaya sa mama niya singkit. Bumaba kame ni Twilight at nag tungo sa kusina, nadatnan namin si Ixie nagluluto.

Binuhat ko si Twilight paupo sa stool na para lang talaga sa kanya. "Tita Ixie ano po niluluto mo po?"malambing na tanong ni Twilight, nilingon niya ito at nginitian bago sinagut.

"Ginataang halo halo"

Nag pormang 'O' ang bibig ni Twilight habang ang mag kabilang kamay niya nasa pisngi.

Natawa ako.  

"Mag luluto paba ako o yung kay Tita Ixie na lang kakainin mo?"tanong ko.

Si Twilight kahit ano ipakain mo kakainin niya, basta kameng mga tita at tito niya ang mag luluto.

Si Rare hindi siya kumakain pag hindi ako ang nag luto, maarte siya.

"Pwede po dalawa kainin ko?"Pag nagsasalita si Twilight napakalambing, kahit madaldal ay masarap pakinggan.

"Of course"

Heisenberg Series 1: Adeine RevielloWhere stories live. Discover now