Chapter 13

5.3K 149 40
                                    

Chapter 13

Minulat ko ang aking mata at tinignan ang sariling may damit pa naman. Siguro ay nanaginip lang ako. Sinubukan kong tumayo pero ramdam kong masakit sa ibaba.

What the fuck?! May...nangyari talaga sa amin?!

“You're awake, does it hurt?” tanong nito sabay halik sa pisngi ko.

“Ay hindi. Malamang masakit first time ko, e. Bobo ka talaga. Pero nagsuot ka ba ng proteksyon kagabi?” tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin at umiling.

“Tangina! Hindi ka nagsuot?! Charles—”

“Just take pills, Yona. Bumili ako kanina.”

Mariin kong pinikit ang aking mata at tumango. Sinunod ko ang sinabi niya, pagkatapos namin kumain ay uminom ako ng pills. Pero may bumabagabag sa akin. Paano kung mabuntis niya ako? Anong sasabihin nila Mama at Papa...ng mga kaibigan ko? Bigla akong kinabahan sa naisip at napagtantong nakatulala na pala ako.

“You okay?” tanong niya sa akin.

“Charles, paano kung—”

“You can't be pregnant, Yona,” seryoso niyang sabi.

Napalunok ako at tumango, hindi pa siya handang magkaanak, gano'n din ako. Bawal pa, hindi pa pwede. Iinumin ko na lang ito para makasiguro. Naligo na ako para at least mabawasan ang sakit ng baba ko. Ikaw kaya tuhugin ng talong sa pechay mo.

Natapos ang ilang minuto sa banyo. Nakita ko sila Mama na nag-aayos ng mga pasalubong sa lamesa. Gano'n na rin si Charles.

“Goodmoring, Baby! I'm sorry naiwan ka namin ng Papa mo, syempre kailangan din namin mag-date. Binantayan ka naman ni Charles.”

“Ayos naman ako, M-ma.” Ngumiti ako. Buwiset, 'wag kang mautal, Yona. Ang tanga mo.

“Oh? May nangyari ba?”

“Wala naman, Ma. Masama lang pakiramdam ko.”

Lumapit si Mama at hinawakan ang aking noo. "Hindi ka naman mainit."

Nakita kong tumingin sa akin si Charles. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko, maski ang sasabihin ko ay pinapakinggan niya.

“Baka po sa period ko Ma,” pagpapalusot ko.

“Sabi mo ay kakatapos mo lang.”

Pumikit ako. “Dalawang linggo na ang nakalipas Mama, baka magkaro'n na ako.”

Kahit papaano ay nakumbinsi ko si Mama kahit hindi naman talaga totoo. Kakatapos ko lang talaga pero totoo 'yong sinabi kong two weeks na ang nakalipas. Alam ko naman sa sarili ko kung mag kakaroon na ako at hindi.

Nang matapos silang mag-ayos ay hinatid ako ni Charles sa school namin kaya mabilis akong nakapunta.

“Take care, I love you!” sabi nito at humalik sa akin...nginitian ko naman siya.

Suminghap ako sa kawalan bago tuluyang pumasok sa campus. Tahimik ang karamihan at ang iba ay bumabati sa akin. Nakakapagtaka lang, halos saktan nila ako no'ng isang araw tapos ngayon ang bait nilang lahat.

“BESPREN!! Ayos kana?” tanong nila sa akin.

Ngumiti naman ako at tumango. “Oo, nakapagpalamig na ng ulo.” Inakbayan nila ako.

“Bakit parang may nagbago? Ang bait na nila,” sabi ko.

“Ano ka ba naman pren. Hindi ka ba updated? Bumalik si Brennon dito sa school no'ng araw na 'yon tapos sumigaw ng 'kung sinong magbalak muli na saktan si Yona, magkamatayan tayo.' Biruin mo ’yon kahit nasaktan mo siya, ginagawa niya pa rin 'yon para sa’yo,” kwento ni Angel. Tumango-tango naman ang dalawa.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now