Pinisil niya ang pisnge ko na siyang ikina-pula ng mukha ko.

"Are you shy?"

Nahihiya nga ba ako?

Umiling ako para sabihin na hindi, kahit ang totoo ay sobrang gusto ko na lang kainin niya ako... I mean kainin ako ng lupa.

"Kaibigan naman kita kaya wag ka na mahiya"

Kaibigan ko rin naman si Mild, bakit hindi namin ito ginagawa?

Sabagay, wala nga pala kaming kotse.

"Pumaharap ka sakin Baby para hindi ka mahirapan." Bulong niya sakin na ginawa ko naman ng walang pag aalinlangan.

Umikot ako papa harap sa kanya, ang dalawang binti ay nasa magkabila niyang side.  Inadjust niya ang upuan para mas maayos kong maipwesto ang mga binti ko.

"Hindi ka ba nahihirapan?? Papaadarin ko na"

"Hindi naman" mahinang sabi ko.

Naiiyak ako, hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganto.

Ngayon lang may taong nagtatanong sakin kung ayos lang ako bukod kay Mild.

Pinipigilan kong himikbi pero hindi ko na napigilan kaya narinig ni Babe.

"Are you crying?? Baby ayaw mo ba sa ganito? Kung ayaw mo, okay lang naman na sa likod ka na sumakay" may pag aalalang sabi ni Babe.

Mas lalo tuloy aking napahikbi kaya hinarap niya amg mukha ko sa kanya..

"Why are you crying??? Aren't you comfortable? Ayaw mo na bang tumuloy?"

"No, gusto ko tumuloy"

"Then why are you crying?"

"Eh kase ngayon lang may nag alala sa'kin ng gantino bukod kay Mild."

"Shhhh...tahan na, hug me" niyakap ko siya at hinagod naman niya ang likod ko.

Hindi ko rin alam bakit ako umiiyak.

"Baby aalis na tayo"

Tumango ako at ibinaon ang mukha sa mabango niyang leeg.

Ilang minuto ang lumipas at masa mall na daw kami.

Nagtaka naman ako kung bakit walang tao sa labas ng Mall. Sabi ni Mild matao daw dito. Bakit parang hindi naman.

Napaka laki ng mall na'to. Sobrang laki.

"Babe, bakit walang tao?" tanong ko kay Mew.

"Dahil ayaw ko ng matao" maikling sabat niya.

Huh? Ano namang kinalaman nun?

Nanlaki ang mata ko ng marealize ang sinabi niya.

"Huwag mo sabihin sakin na sa'yo 'tong mall"

"Okay, hindi ko sasabihin" nakangising sabi niya.

What the?

" So sa'yo nga?"

"Akala ko ba hindi ko sasabihin?" Mapaglarong aniy.

" Sayo nga ba?"

"Sabihin na nating Oo"

I'm shocked but not surprised...hmmm sa bahay palang niya alam mo na talaga kung ano ang estado niya sa buhay.

"Baby, let's go" pag-aya niya sa'kin.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now