11

9 2 0
                                    




"Mika si Rhy oh." Bulong ni Sam.



"Ayieeee." Pang-aasar nman ni Nichole.



"Huy! Tigilan n'yo nga 'yan! Makita kayo eh." Bulong naman ni Mika na kinakabahan na.


Ayaw n'ya kasing mapansin siya ni Rhy.


"Ayieeee... Nagdadalaga na si Mika!" pang-aasar pa lalo ni Sam.



"Uy! Ano ba?!"


Sabay natawa sila Nichole at Sam, kaya napatingin sa kanila ang karamihan.


Si Mika naman ang nahihiya para sa dalawa at mas lalo pang nahiya ng makitang nakatingin pala ang grupo nila Rhy sa kanila.



Kaya kung pwede lang magpakain sa lupa ginawa na niya,  gusto na ni Mika magpakain sa lupa sa sobrang hiya.



Huminto naman sa kakatawa ang dalawa kaya nakahinga ng malalim si Mika pero nand'yan pa rin ang hiya.



Nang muling tumigin si Mika para masulyapan si Rhy, na gulat pa ito ng makitang nakatingin rin sa kaniya ang lalaki ngunit imbes na umiwas ang lalaki ay nginitian pa nito si Mika kaya ngumiti si Mika pabalik.



Hindi ito pinahalata ni Mika sa mga kasama n'ya, nagpatuloy na lamang siya sa pagkain.



Ngunit ang mga ngiti sa kaniyang labi ay nagpapakita na siya ay kinilig sa simpleng pag-ngiti sa kaniya ni Rhy.



Natapos ang tanghalian at hanggang sa uuwi na ang lahat. Ang mga babae hindi maubusan ng mga kwento hanggang sa nagsama sama na ang lahat.


Sa bus na sinasakyan nila Mika ay naghihintay na roon ang mga kalalakihan dahil ang mga babae ay naghantayan pa dahil nagsabay sabay sila patungo sa bus.



Nang naroon na ang lahat saka sila nagkwentohan sa labas at hindi syempre mahuhuli ang pictures taking.



Ayos na ang lahat ng umalis sila at sa byahe dahil pare-parehas silang pagod ay natulog ang lahat maliban sa dalawang driver.



Hindi nga nila alam sa pagod na kinukuhaan na sila ng mga teacher nilang kasama ng pictures habang tulog at saka isinend sa kanilang group chat.



Kaya ng magising sila ay tawa ng tawa ang lahat at kan'ya kan'yang asaran.


"Ang daya bakit ganon? kahit tulog si Mika para parin siyang angel." Ani ni Sam ng makita ang mukha ni Mika sa kanilang GC.



"Oo nga samantalang ako oh, para akong nirape dito. Maam! Bat ganito." Pagrereklamo naman ni Nichole.



Natatawa tuloy ang dalawang guro sa mga hitsura ng kanilang estudyente.



Hindi pa natapos ang lahat dahil nagkaroon pa ulit ng kaskyahan sa loob ng bus kung saan nagpatugtog sila at saka nagsayawan, meron pang nagsample kumanta.



Talagang memorable ito sa lahat kahit sa mga driver nilang kasama dahil kahit ang mga ito ay nakikisaya sa mga estudynte.



Nang makarating ang lahat sa kanilang paaralan, nagpaalam muna sila sa kanilang mga driver at nagpasalamat saka naghiwa hiwalay. Umuwi sa sariling mga tirahan.



Ang iba ay may sundo ang iba ay malapit lang naman.



"Ikaw Mika? May sundo kaba hija?" tang ni Ginang Martha.



Mabilis naming umiling ang babae.



"Wala po maam pero kaya ko na pong umuwi mag-isa."



"Kung ganun ay sumabay ka na kanila Rhy kahit diyan man lang sa pagbaba."
Tumango na lang si Mika sa guro.




Wala rin naman siyang magagawa kundi ang sumabay na lang dahil ang kaniyang mga kaklase ay mga nauna na.




Ganun nga ang nangyari, si Mika ay nasa hulihan lang habang kasabay ang grupo nila Rhy.



Hinayaan na lamang ito ni Mika at hindi na nakisalamuha pa hanggang sa hindi niya napasin ng malapit na ang pagliko sa sakayan pauwi sa bahay nila at saka naman huminto ang magkakaibigan.



Akala pa ni Mika na parehas lang sila ng sasakyan at pupuntahan ngunit nagkamali si Mika. Nakumpirma niya lamang ito ng makausap si Rhy.




"Dito na ang sakayan mo diba?" tanong ni Rhy.



"Oo dito lang" sagot naman ni Mika.




"Kung ganun ay magiingat ka, mauna na rin kami."




"Sige salamat, magiingat rin kayo." Nginitiaan ni Mika si Rhy pati na ang mga kasama nito.




Sa gabing iyon natapos ang panandaliang pagkakaroon ng gusto ni Mika kay Rhy.


















The end........






THANK YOU GUYS SA MGA NAGBASA!!!! LOVE KO KAYO!!

BUS 18Where stories live. Discover now