Nagsisigawan ang mga magulang ko nang makauwi ako isang araw, galing sa trabaho. I didn't know the reason behind. The only thing I know was that mom left that day, bringing two suitcases with her and a small bag.

"Mom. Saan ka po pupunta?" I asked her.

She went near me and hugged me tight.

"I'll stay with your tita Pia in US for a while, anak. You can visit me there if you want." She said. Her eyes were pooling with tears.

"Mom... Ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko rito.

My mom is a very strong woman. Alam kong hindi siya basta basta sumusuko. Kaya kung bakit kailangan niya pang tumakbo sa kapatid niya sa US, ay isang malaking tanong sa akin.

"I-I... Love you..." Nanginginig ang mga labing sinabi nito sa akin.

She kissed me on the cheek and totally left that night. She left me dumbfounded. Gulong-gulo ang isip ko at hindi ko rin alam kung anong gagawin. I tried asking dad personally but he would only divert the topic.

Weeks passed by at mas lalo lang gumugulo ang nangyayari sa aming pamilya. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito ang lahat. Our family was known to be perfect. Ideal. Hindi ko maisip kung bakit bigla na lang naging ganito.

Iñigo had no idea as well. Ang alam lang namin ay may problema sa BFI na nakakaapekto sa mga pamilya namin ngayon. Dahil doon, kumuha si Austin ng mag-iimbestiga kung ano nga ba ang nangyayari sa BFI.

Investigation shows that BFI has lost almost half of its assets because my father has been spending too much. I was wondering kung saan niya dinadala ang mga pera dahil wala naman siyang binibiling mga gamit na maaaring magpalubog sa kumpanya ng ganoon. Or atleast something that is tangible in our eyes. But we later on found out that he was addicted to gambling.

Noong una ay barya lang ang itinataya hanggang sa lumaki na ng lumaki at hindi niya na kayang kontrolin ang sarili. Dumami rin ang pinagkakautangan nito kaya mas lalong nawala na siya sa tamang landas.

I brought that problem in silence for months. Hindi ko alam kung paano kukumprontahin si dad. As much as I know that he is wrong, ayokong dagdagan pa ang nararamdaman niyang bigat.

Until I heard him and lolo yelling. Nasa home office sila noon. Didiretso sana ako sa kwarto ko nang biglang marinig ang pinag-uusapan nila.

"Paano mo ngayon susolusyunan ito, Rodney?! Alam mo kung gaano kalaki ang sakripisyo namin para sa kumpanyang ito tapos palulubugin mo lang?!" Sigaw ni lolo kay dad. Naestatwa ako nang marinig ang isang malakas na kalabog mula sa loob.

"Ginagawan ko naman ho ng p-paraan, pa." Dad countered.

"Paraan? Anong paraan mo? Sa tingin mo ba may tiwala pa ako sa'yo matapos mo kaming ibaon sa kahihiyan?!" Lolo's anger scared me that I could even imagine him killing my father.

True enough, naabutan ko si lolo na nakakapit sa kwelyo ni dad habang nakasandal ang huli sa lamesa ng home office. Nagkalat ang mga papel na nahulog mula sa lamesa.

"Lo!" Agad akong dumalo sa pagitan nilang dalawa para awatin sila.

"Dad, Lolo. Ano pong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ko sa dalawa.

"Hindi na mabibilang ang taon ng BFI sa mga daliri mo Sydney. Dahil 'yang magaling mong ama, isinugal ang halos kalahati ng shares ng kumpanya!" Napayuko na lamang ako sa narinig. Alam ko na iyon pero iba pa rin na narinig ko mismo kay lolo.

"At ngayon mo sabihin sa anak mo kung ano ang naiisip mong paraan, Rodney!"

Dad looked at me guiltily. Hindi siya makapagsalita. Waring nahihiya sa solusyon na naiisip niya.

Over The Rainbows, Sydney (España Series #1)Where stories live. Discover now