Tinignan ko siya at nakita ko ang mga mapupungay niyang mata.

"Dito ka lang pls, pls M wag mo akong iwan ulit"

Tumango ako at mupo sa tabi niya.

"Hindi naman kita iiwan, oorder lang ako ng pagkain at ipapalinis na din ang buong bahay." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Pwede bang dito ka na lang? Tawagan mo na lang sila."

Hindi ko magawang tumanggi sa kanya kaya dinukot ko na sa bulsa ko ang aking cellphone at nag dial.

Mew: Hello, magdala ka dito sa bahay ko ng pagkain.

: Anong klaseng pagkain po?

Mew: prutas, gulay kahit ano...basta makakain. Pakibilisan ha! Papuntahin mo din dito yung katulong na maglilinis ng buong bahay.

: Noted senyorito.

Ibinaba ko na ang cellphone ko.

Nakita kong mahimbing na ulit siyang natutulog kaya pinagmasdan ko siya.

Dumating na ang pagkain at nalinis na rin ang buong bahay.

___________________________________________

(Gulf)

Nagising ako nang may maramdaman akong humahagod sa buhok ko.

"M" napakagwapo ng nasa harap ko. Kung hindi ko lang naaalala kung anong nangyari bago ako matulog ay baka akalain ko na anghel ang nasa harap ko.

"Gising ka na pala, anyway Stop calling me M" aniya at nakangiti s'akin.

"Ehh...hindi ko naman alam totoo mong pangalan."

"MEW...MEW SUPPASIT JONGCHEVEEVAT.
Pwede mo akong tawaging Mew, pwede ring babe"

"Ano naman yung Babe? Saan nakuha yun?" Nagtataka talaga ako sa kanya

"Ah...ehh nickname ko" kumakamot sa ulong sambit niya.

"Sige babe na lang itatawag ko sayo. Ang haba kase ng pangalan mo eh."

"Ikaw anong pangalan mo?"

"Gulf Kanawut Traipipattanapong"

"Pwede mo ako tawaging Gulf since yun yung tawag sakin ni Mild at ng ibang kakilala ko"

"Sino namang Mild yan" yung kaninang nakangiti ay bigla na lang nanlisik ang mata.

"Sino si Mild" pag uulit niyang tanong.

"Kaibigan ko, parang kapatid ko na rin"

Bumalik naman siya sa pagkaka-ngiti.

Weird

"Ayaw kong tawagin kang Gulf"

"Bakit naman? Pangit ba??" sabi ng iba maganda raw yung pangalan ko.

Napapangitan ba siya??

"Hindi, ayaw ko lang, kase yun yung tawag sayo ng iba." Aniya

"Eh anong itatawag mo sakin?"

"Baby!"

What the? Mukha ba akong sanggol.

"Huh? Bakit naman baby? Mukha ba akong sanggol." Napa hagikhik ako.

"Hindi, gusto ko lang itawag yan sayo."

"Okay" pagsang ayon ko.

Tatayo na ako ng bigalang tumunog ang tiyan ko.

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAH"

tatawa tawa naman si Babe na nakatingin sakin.

"Gutom na pala ang Baby ko, tara na sa baba kain na tayo."

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now