C_8

1K 76 22
                                    

Unedited

Ng sumapit ang alas nuebe ng gabi ay agad na nagpaalam si Natalie sa mag-asawang Guanzon na pupuntahan niya ang pinsan na si Henry, gamit ang kotse ni Joanna ay agad niyang tinungo ang Joe's.

"Good evening Ma'am." magalang na bati ng security guard sa kanya na isang tango lang ang kaniyang naging tugon. Napagiti siya ng makita ang kotse ni Henry na nakapark sa di-kalayuan. "sinasabi ko na nga ba dito ko lang kayo makikita, hindi ka na makakapagtago pa Seb."

"Good evening Ma'am." bati ni Nicole kay Natalie na pareho pa silang bahagyang natigilan at napatitig sa isa't-isa. Mabilis na ipinilig ni Nicole ang kanyang ulo, may kakaiba siyang naramdaman ng matitigan ang babaeng kaharap.

"one shot of martini please." tugon ni Natalie at iniikot ang paningin sa loob ng Joe's. Mahabang panahon din ang lumipas na hindi siya nakapunta dito at malaki ang ipinagbago nito.

"here's your shot Ma'am."

"Thanks, bago ka ba dito?"kunot ang noo na tanong ni Natalie.

"hindi po, matagal na po ako dito Ma'am."

"so you know well the owner and his friends?"

"opo Ma'am."

"tuwing anong oras sila dumarating dito?"

"ahm, naku Ma'am hindi po sila darating dito." nakangiting sagot ni Nicole. "nag out of town po si Sir Joe at Sir Henry."

"what!? Where? Sila lang dalawa?"

"noong isang araw pa po Ma'am, ang alam ko po sila lang dalawa, wala naman po kasi akong nakikitang iba nilang kaibigan."

"are you sure Miss, na sila lang dalawa!? Wala ba silang kasama na ang pangalan ay Sebastian! Inutusan ka ba ni Joe na huwag sabihin ang totoo!?"

"w-wala po Ma'am." kabadong sagot ni Nicole. "nagsasabi po ako ng totoo ah.

"damn it!" inis na bigkas ni Natalie kasabay ng paghampas sa  lamesa na ikinalingon ng ibang costumer. "anong tinitingnan nyo!" angil niya sa mga taong naroroon.

"Ma'am, huwag po sana kayong gumawa ng eskandalo dito, nakakahiya po sa ibang costumer." pigil ang inis na saway ni Nicole kay Natalie.

"hindi ako nag-eeskandalo! Kilala ko ang owner ng resto bar na ito kaya huwag mo akong pagsabihan, and besides ang kinatatayuan ng bar na ito ay pag-aari ng fiancé ko kaya Miss, kahit pa magwala ako at ipasara ko ang bar na ito wala kang magagawa!"

"excuse me Ma'am! Sa ngaun po ay ikaw ang walang magagawa, dahil una sa lahat you're not my Boss, kaya kung mainit po ang ulo ninyo, maluwang po ang pinto para umalis ka, kung napapansin mo full house kami, ayaw ko naman ma- disappoint ang aking Boss kung pagbalik niya wala ng bumalik na costumer dito dahil sayo! "

" aba't bastos ka palang babae ka! How come na tumanggap si Joe ng kagaya mo! "

" mas nagtataka nga po ako Ma'am! Paano ka naging kaibigan ni Boss Joe eh ang sama ng tabas ng dila mo! "asar niyang sagot dito. At ng tumayo si Natalie at akmang sasampalin si Nicole ay agad itong nasalag ng dalaga." subukan mong ilapat ang kamay mo sa mukha ko hindi ako magdadalawang isip hilahin ang dila mo! "

"Nicole, tama na."awat ni Kris sa kaibigan."Miss mabuti pa umalis ka na bago ka pa kaladkarin ng bouncer namin dito."

"hindi pa tayo tapos!"mariing sabi Natalie bago umalis.


" buiset na babaeng iyon! Sinira ang gabi ko!"maktol ni Nicole.

"bakit kasi pinatulan mo pa!"

The Lustful Love (R-18) (On Going) Where stories live. Discover now