Zero

2 0 0
                                        

Zero

Zero

"JM very good 10/10" masayang bigkas ng guro sa aking harapan

"Lyka good 7/10" nagpalakpakan naman ang ilan sa mga kaklase nito

"Oh Mika 3/10"

"Hhhmmmm ikaw, kunin mo na iyong papel mo" dismayadong sabi ng guro

Lumapit ka at kinuha mo ako

Dahan dahan kong minulat ang aking mata

Umaasang may makitang bago sa iyong mga tingin

Ngunit muli nanamang napabuntong hininga

Nang makita ang mga matang may hinanakit at pagkapahiya

"Hahahahah zero ang nakuha niya, buti pa ako may 2" rinig kong sabi ng isa mong kaklase

Pumikit ako mariin ng maramdaman ang muling pagkusot sa papel na aking pinaglalagyan...

Muli nandito nanaman ako sa basurahang iyong pinagtapunan

Malungkot akong napangiti

Masakit

Oo masakit ang mabalewala lalo na kapag alam mong wala kang kwenta

Masakit ang mabalewala lalo na kapag alam mo ang dahilan

Pero maari mo bang pansin mo man lang ako

Maari bang wag mo akong itapon sa basurahan

Maari bang gawin mo nalang akong inspirasyon

Inspirasyon na hindi mo na ako muling makita

Maari ko bang makita sa iyong mga mata ang determinasyon

Na makita ako kasama ng iba

Kasama ang uno at isa pang ako sa itaas ng iyong papel

Oo masakit

Pero tatanggapin ko, dahil alam kong ikasasaya mo

Alam kong hindi ako sapat

Sino ba ako

Isa lang naman akong bilog na kinakatakutan mong makita sa itaas iyong papel

Isa lang naman akong bilog na laging nasa ibaba at walang silbi

Pero sana balang araw magbago ang tingin mo sa akin




....

Please vote and comment

Comment niyo kung naranasan niyo nang makita si zero

Or

Kung naranasan niyo ng maging si zero

Naranasan niyo na bang mabalewala, masaktan at itapon nalang sa kung saan

Comment niyo na

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ZeroWhere stories live. Discover now