Kabanata 20

Mulai dari awal
                                    

Papa really longed for a son. Napakasakit marinig pero alam ko namang 'di talaga namin maiiwasang mapag-usapan ito ni Papa. Gusto niya ng lalaking anak na tulad ni Gino, at maski masakit man sa parte ko na tanggapin ito pero hinayaan ko. For Gino.

"No, Pa." pilit kong pinatatag ang boses na parang mababasag.

"Siguro nga, anak." Papa said and there was silence for a minute. "Siguro rin mali ako."

Napatitig ako sa kinauupuan ni Papa. Narinig ko siyang bumuga ng hangin.

"I guess having him here wasn't the best for Gino; for you. I'm considering about invalidating the adoption—"

"What? No!"

Hindi ko inaasahan ang sagot kong iyon! Napakabilis ng sagot ko at nang mahimasmasan huli na para bawiin pa. Narinig na ni Papa. He was even sharing the same expression. Nagulat na para bang ibang Rhiannon ang nasa harap niya!

"Sigurado ka ba, anak?" Papa asked. I bit my lip.

Bakit ako tumutol? Hindi ba ito rin naman ang unang gusto ko! I want Gino out of our mansion; out of my life, even. I want him gone for good. I was given the chance a minute ago but I quickly disposed that opportunity! What is wrong with me?

"I.. I.."

Ang isip ko gustong sumagot ng hindi, na mali lamang ng narinig si Papa kanina at dapat na naming palayasin si Gino kasi ito naman talaga ang nais ko noon pa; pero ang puso ko taliwas naman ang gustong sabihin, na tama lang na manatili ang binatang iyon kasama namin, kasama ni Papa, at kasama ko.

Nangarera ang puso ko sa ideyang iyon. Natanggap na rin kalaunan ang kapalaran kong pilit kong tinatanggi sa sarili. I am falling in love with Gino. The boy that I used to call jerk; the boy that I used to hate.

"I'm going to talk to him, Pa. Gino's not going anywhere." sagot ko at napangiti.

Papa did the same. Nangilid ang mga luha sa sulok ng mga mala-uling niyang mata at sa unang beses pakiramdam ko may nagawa rin akong tama.

"Salamat, anak."

Napagdesisyunan ko ngang kausapin kinagabihan si Gino tulad ng aking pangako. Hindi muna ako natulog at minabuting tumungo sa kasunod na cuarto.

Huminga ako ng malalim nang makita ang nakasaradong pinto ng silid niya. Hindi masukat ang paninibok ng puso ko lalo na nang katukin ko ito ng isang beses.

"Gino." tawag ko pero wala namang sumagot sa loob.

Napatambol lalo ang dibdib ko. I wasn't sure if my voice was weak or he didn't bother answering me. I stared at the doorknob for a couple of seconds. Nahuli ko na lamang ang sariling pinihit ito.

Bumungad sa paningin ko ang madilim na silid ni Gino kaya lalo akong kinabahan. Wala akong natatandaang umuwi siya ng lasing kanina kaya 'di ko sigurado kung natutulog na ba siya. Gumala ang paningin ko sa kabuuan ng kaniyang silid mula rito sa siwang ng pinto. Hindi rin katagalan nang mapahinto ang mga mata ko sa kaniyang bintana. Gino was standing there and facing the outside.

He seemed to be talking to someone over his phone.

"Pasensiya na po kung ngayon lang ako nakatawag sa inyo, tita. Kumusta ho kayo?"

I blinked.

"Tita, ako po 'to. Nakalimot na agad?" tila may lambing sa tono ni Gino.

Siguro nga mali ang makinig sa usapan nila pero pinili ko pa ring manatili. Nababalot sa dilim ang kabuuan ni Gino habang nakaharap sa sarili niyang bintana na buwan lamang ang nagbibigay liwanag.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang